^

Pang Movies

Regine laglag sa Studio 7, kumpirmado na ang paglipat

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Regine laglag sa Studio 7, kumpirmado na ang paglipat
Regine Velasquez-Alcasid

Laglag si Regine Velasquez-Alcasid sa bagong musical variety show ng GMA na Studio 7. Sa October 14 ang pilot telecast nito at papalitan ang The Clash na hinu-host ng Asia’s Songbird.

Pagdating sa musical variety show, siyempre, si Regine ang pambato pagdating sa ganyang konsepto. Pero wala siya sa inilabas na line up ng performers ng GMA Network.

Bibida sa programa sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Mikee Quintos, Rayver Cruz, Mavy Legaspi, Donita Nose at Tekla.

Magiging bahagi rin ng show ang ilan sa na­ging finalists sa matatapos na The Clash.

Dahil sa pagkawala ni Reg sa Studio 7, totohananan na ang kumalat na balitang lalayasan na niya ang Kapuso Network, huh!

Maine susubukan na rin maging executive producer

Ngayong pa lang ay gumagana na ang crea­ti­­vi­ty ni Maine Mendoza. Sa Sabado kasi, siya ang over all incharge sa kaganapan sa Eat Bulaga.

Tweet ng Bulaga admin, “Mula sa pagpaplano ng konsepto, hanggang sa pag-e-execute ng Saturday show, makayanan kaya ni Maine ang trabaho ng isang core member?”

Bilang bahagi ng 40 years ng noontime show, walang exemption sa EB Dabarkads na magtrabaho bilang core group tulad nang narasa­nan ng iba. Siyempre, ang pagiging executive producer ang pinakamahirap na trabaho sa programa.

Gayunpaman, sumabak man sa behind the scenes ng programa, nasa cloud 9 pa rin si Meng dahil sold out ang kanyang lipstick shade nang isapubliko ito, huh!

Tanging ang Phenome­nal Star ang naka-achieve ng sold out sales sa produkto niyang inilabas kaya for a change, sasabak naman siya sa panibagong giyera sa mundo ng telebsisyon!

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with