^

Pang Movies

Anak nina Harlene at Romnick sumusunod na sa showbiz

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Anak nina Harlene at Romnick sumusunod na sa showbiz

Ang bata-bata pang tingnan ni Harlene Bautista pero, mayro’n na pala silang 18 year old daughter ni Romnick Sarmenta na pinayagan niyang mag-artista sa pelikulang Rainbow Sunset, isang naiibang love story na tampok sina Eddie Garcia, Gloria Romero at Tony Mabesa.

Tungkol ang pelikula sa isang lalaki na iniwan ang kanyang asawa para ipagpatuloy ang relasyon nila ng isang matagal nang minamahal na lalaki. Ang Heaven’s Best ng magkakapatid na Bautista ang nasa likod ng produksyon kaya pinayagan ng kanyang mga magulang si Zeke Sarmenta na mag-artista. Eighteen years old na ito at kabilang na sa humahabang listahan ng pamilya niya na dumako ng showbiz. Matagumpay ang muling pag-aartista ni Romnick at si Harlene naman ay luminya na rin sa pagdidirek ng short films, muna.

Dolphy tiyak na proud kina Boy 2 at Epy

Sasabak na rin sa pagdididrek si Boy 2 Quizon. I’m sure happy si Dolphy kung saan man siya naroro’n sa magandang kapalaran ng isa sa kanyang mga apo who is not only producing good movies pero, magiging direktor pa. Producer siya at direktor din ng I’m Ellenya L., launching film ng loveteam nina Inigo Pascual at Maris Racal at joint venture ng Star Cinema at N2 Productions na kung saan ay kabilang sa mga producer sina Boy 2 at Neil Arce.

Samantala, hindi naman pakakabog si Epy Quizon sa pinsan niya. Mayro’n din itong movie na ipoprodyus, ang The Art of Ligaw na sinulat at ididirek ni Jourdan Sebastian.

Mark hindi napahiya sa MMK

Pinatunayan ni Mark Neumann na may “k” siyang mag-headline ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya nung Sabado (Sept. 22). Pinaiyak niya ang maraming manonood ng pangunahing drama anthology ng bansa. Hindi siya naiwan sa akting nina John Arcilla at Nanding Josef. I’m sure happy ang letter sender sa naging performance ni Mark.

Speaking of MMK, hindi nakapagtataka na laging ikina-cast dito si Claire Ruiz. Magaling ito sa kahit anong role, bida man, kontrabida o support. Maganda din siya. She deserves to be in the movies, too.

vuukle comment

HARLENE BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with