Nanay ni Marian eeksena sa bago niyang commercial

Aba, ang nanay naman ni Marian Rivera ang makakasama sa bagong TV commercial na ginagawa, huh! Sa Instagram post ni Yan Yan, ipinagmalaki niya na TVC shoot nila ng ina kahapon.

Sa IG stories ni Yan, may sarili pang glam team ang ina. Inilabas din niya ang pagbawas ng kanyang buhok na tila bahagi ng ginawang TVC shoot.

Samantala, feeling nanalo sa lotto si Yan nang manalo ng Best in Costume ang anak na si Zia school anniversary nila. Pumapel na stylist sa anak ang ina na binihisan niya gaya ng Hollywood star na si Marilyn Monroe!

Luigi ibinuking na pinakamagastos ang episode ni Jolo sa Tres

“You should never take things for granted,” sagot ni Luigi Revilla sa aming tanong kung ano ang natutunan niya nang makulong ang amang si Senator Bong Revilla, Jr.

“And time is very precious. ‘Yung tipong, ‘Ah bisitahin ko na lang si Papa next week. Parang nag-iba lahat nang makulong si Papa. Ma-detain.

“Doon ko na-realized na you shouldn’t take life for granted dahil you’ll never know kung ano ang mangyayari sa ‘yo. And maraming pagbabago po. Naging down to earth kasi, I guess and hayun!” dagdag niya sa presscon ng action trilogy movie na Tres kung saan bida siya sa isang episode.

Nasuntok ba siya ng ama nang mabuntis niya ang pinakasalan?

“Hindi po. Nagpaalam po ako sa kanya na magpapakasal ako. Tapos, tumahimik lang siya. na-accept niya right away. When I got my wife pregnant, I proposed first. That was after the wedding. Hindi naman ako nagpakasal dahil nabuntis ko siya. Happy naman siya sa lahat!” rason ni Luigi.

Totoo ba ang intriga na ang episode niya movie ang pinakamagastos sa Tres?

“I think, ‘yung kay Kuya Jolo siguro! Ha! Ha! Ha! Ang daming pasabog. Kasi lahat ng episodes may sorpresa,” saad niya.

Hindi ba siya na-insecure dahil mas maraming pasabog ang 72 Hours episode ni Jolo?

“Marami rin pasabog but in our own way. May ipapakita kami na hindi pa nakikita ng publiko! Abangan ninyo na lang po!” bulalas ni Luigi.

Show comments