Pagkatapos ni Ritz, Pepe si Arci naman ang makakalandian

Saludo si Mother Lily sa katalinuhan ng singer-actor na si Pepe Herrera. Ipinagmalaki ng Regal producer na si Pepe ang gumawa ng kanta para sa Regal movie nito na The Hopeful Romantic kapareha si Ritz Azul.

 

“Saka simpleng tao ang dating niya pero may depth siya pag kausap mo. Para sa akin, ako na ang Pilar sa buhay ni Pepe! Ha! Ha! Ha!” saad ni Mother nang tumawag sa amin bago umalis pa-abroad.

Umingay ang pangalan ni Pepe nang mapabilang siya sa series na FPJ’s Ang Probinsyano. Pero bigla siyang nawala at sa rasong ibinigay, kailangan niya ng break sa trabaho.

Imagine nga naman, halos-araw-araw ang taping niya sa series. Eh, hindi lang naman ‘yon ang ginagawa niya, huh!

Kaya naman tinanggap niya ang Regal movie dahil hindi ngaragan ang trabaho niya’t light lang ang role niya. Sa totoo lang, hindi pa nga naipalalabas ang Regal movie niya, may follow up project na siya and this time, si Arci Muñoz naman ang makakalandian ni Pepe, huh!

Inigo nagpasalamat na nakilala ang batang may leukemia

Nakilala ni Inigo Pascual ang batang may leukemia at nagsilbing insprasyon ang bata para sa isang kanta ng anak ni Piolo Pascual.

Sa Instagram, video ni Inigo, kinakantahan niya ang batang si Arnie Espina. Nagpasalamat din ang young actor sa Diyos dahil nakilala niya ang may sakit na bata.

Paalala ni Inigo sa mga kabataan, “I want to encourage young people to go out there and help anyone they can. Make people smile. It’ll give a whole different meaning. When you are put in a situation to reach out, use it. Appreciate life, appreciate the simple joys,” bahagi ng caption ni Inigo.

Tumulo ang luha ng i­lang netizens habang pinanonod nila ng video ng pagkanta ni Inigo kay Arnie.

Show comments