Elmo, Janella at Jenine, nagdedmahan?!

Janella at Elmo

Isa ako sa mga pinakamaaga na duma­ting sa 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza hotel noong Linggo pero as usual, hindi ko tinapos ang party kaya hindi ko na nakita ang pagdating nina Sharon Cuneta, Vice Ganda, AiAi delas Alas at ng ibang mga VIP guest.

Hindi nagpatalo sa akin si former First Lady Imelda Marcos dahil early bird din siya sa party of the year ni Mother. Natalbugan ako ni Madam dahil late na siya nang umalis sa star-studded birthday celebration ng Regal Films producer.

Nakita ko ang magkasabay na pagdating ng mag-dyowang Elmo Magalona at Janella Salvador pero clueless ako kung lumapit ang aktor sa puwesto ni Jenine Desiderio na isa sa mga performer. Si Jenine ang madir ni Janella at old issue na ang balita na hindi siya boto sa boyfriend ng anak niya.

Katabi ng table namin ang mesa ng mga bagong Regal baby na mga reigning beauty queen pero hindi ako pamilyar sa kanila.

Si Winwyn Marquez lang ang kilala ko dahil anak siya nina Joey Marquez at Alma Moreno. Nasubaybayan ko ang paglaki ni Winwyn, ang kanyang pagpasok sa showbiz, ang start ng relasyon nila ni Mark Herras at ang pagkakaroon niya ng international beauty title, ang Reina Hispanoamericana.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Lorna Tolentino na hanapin ang table na naka-reserve para sa kanya. Naki-join na lang siya sa table namin nina Papa Ricky Lo at Jo-ann Maglipon.

Hindi rin kumain si LT dahil nanggaling na siya sa isang binyagan na dinaluhan niya. Nang umalis ako, nalaman ko na hindi rin nagtagal si LT sa party ni Mother dahil maaga pa ang taping niya kahapon para sa Asintado, ang kanyang regular drama series sa ABS-CBN.

Mother Lily pinangalandakan ang yaman!

Bisita rin ni Mother Lily si former House Speaker Sonny Belmonte na dalawang beses na bumalik sa party niya.

Umalis sandali si Papa Sonny dahil sumaglit ito sa isang event na invited din siya at saka niya binalikan ang party ni Mother para sa kanyang birthday message..

Si Papa Ricky ang nag-asikaso kay Papa Sonny as in hindi siya umalis hanggang hindi nakakapag-deliver ng birthday message ang big boss namin sa Star Group of Companies.

Naghanda rin si Mother ng kanyang birthday speech na tungkol sa favorite dialogue niya na “I am rich.”

“I always tell people I am rich. But they do know what I mean.

“I am rich not because of the things I own or can buy.

“I am rich because God has made my life so full.

“I am rich because through all the years of my life…my struggles have all been rewarded.

“I am rich because I have filled this room with people who I know who have been and still are a part of my life.

“When I look around and see all of you, I realize how truly blessed I am.

“What I am feeling right now… this happiness of being surrounded by people who I love and respect is something that money cannot and can never buy.

“I am rich because of my family. When Remy and I started, we worked hard for our children.

“Everything has always been for them. Now look at where they are.

“Look at the good lives they are leading and how they will always be the pride of our family home.

“I will say it again. I am rich. I am rich because I am now eighty years old and standing in front of all of you.

“I am rich because of all the love and support you have given me through the years. More important, I am not only rich. I am happy.

“And that is because you are all here to share this moment with me. Thank you so much.”

Show comments