^

Pang Movies

Sharon gustung-gusto ang BF ni KC

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Yayamanin si Pierre-Emmanuel Plassart, ang diumano’y nakabalikang boyfriend ni KC Concepcion dahil may castle ito na kinumpirma ni Sharon Cuneta. May nagtanong kasi kay Sharon ng “Is this the one with the castle? Hehehe.”

“Hahaha yes and she’s been there. That’s where he grew up. His mom and sisters and KC really get along, too. They are all together in L.A. I’ve always adored Pierre” at sinundan ng “He could have grown up in a kubo and we all still woul’ve loved him. Napakadisente at bait na bata.”

May nag-research na fan nina Sharon at KC at iku-quote namin ang pinost nito. “Pierre-Emmanuel Plassart comes from the family of Entrepreneurs. From Supermarket Empire to shareholders of one of the biggest hypermarket in the world. He graduated Economics in France and Film making in Los Angeles and New York. He’s Entrepreneur, etc.”

Saka, nakarating na sa Pilipinas si Pierre at pumunta pa sa bahay nina Sharon sa Laguna. Nag-travel din ang family nila together sa Japan at Thailand. Kumbaga, may pinagsamahan na ang pamilya nina KC at Pierre at magandang foundation ng relasyon ‘yun.

Andi nagpasalamat sa BF sa bagong kaligayahan

Nakakatuwa at marunong na ng salita ng mga taga-Surigao si Andi Eigenmann. Binati nito ng happy birthday ang boyfriend niyang si Philmar Alipayo ng magkahalong English at Surigaonon.

“Happy birthday @chepoxz! You are easily, one of my favorite people in the world! You have the biggest heart I know, and you never fail to put a smile on everybody’s faces day by day. Lalo na sa ako. Salamat karajaw sa lahat! Malipajun ako na ini kaw sa amo kinabuhi.”

Ginu-google namin kung ano ang ibig sabihin ng “karajaw” at ang ibig sabihin pala ay “thank you so much.” Ang buong ibig sabihin ng greetings ni Andi sa BF sa salitang Surigaonon ay “Salamat ng marami! Masaya ako na dumating ka sa buhay namin.” Isinama ni Andi sa greetings niya ang anak na si Ellie.

Ang sweet ng sagot ni Philmar sa birthday greetings ni Andi na “Salamat karajaw, sobra ko sab ka malipapajun,” na ang ibig sabihin, “Maraming salamat at sobra rin akong masaya.”

Kabilang sa bumati kay Philmar ay ang kapatid ni Andi na si Max Eigenmann. Ibig sabihin, naipakilala na ni Andi ang boyfriend sa kapatid o mga kapatid. Sana lang, sa susunod na magpo-post sila ng photo, ‘yung malinaw para makikita ng maliwanag ang mukha nila.

Dennis 3 pelikula ang sabay-sabay na ginagawa

Nag-resume na pala ang shooting ng On The Job2 na kabilang sa 29 members ng cast si Dennis Trillo. Sa video na pinost ni Dennis, parang ang daming talents nakasama sa eksena dahil ang daming tao sa set.

Nabanggit minsan ni director Erik Matti na nahihirapan silang ituluy-tuloy ang shooting ng action drama movie under Reality Entertainment dahil sa schedule ng lahat ng cast. Minsan daw, okay na lahat, sa last minute, may isa sa cast ang nagsabing hindi siya makakapag-report sa shooting, kaya ang nangyari, pack up ang shooting. Kaya hindi masabi ni direk Erik ang playdate ng movie.

Speaking of Dennis, three movies ang salitan nitong ginagawa at kailangan matapos kahit ang isa lang sa mga pelikula para hindi siya magkaproblema ‘pag nagsimula na ang taping ng Cain at Abel nila ni Dingdong Dantes.

Malapit nang matapos ni Dennis ang Mina-Anud at tinatapos itong On The Job at sinumulan na ang shooting ng One Great Love nila ni Kim Chiu under Regal Entertainment.

Janine binawalang panoorin si Rayver

Inisip ng mga nakabasa sa tweet ni Janine Gutierrez na “want.to.watch. basketballll” na pingbawalan siya ng GMA 7 na manood ng All Star Game ng ABS-CBN kung saan, naglaro ang boyfriend nitong si Rayver Cruz.

GMA 7 talent kasi si Janine at nasa cast ng Victor Magtanggol, kaya naniwala ang mga nakabasa sa tweet niya na baka hindi siya pinayagang manood. Kung pumunta ng Smart Araneta Coliseum si Janine, siya lang ang Kapuso talent na present sa palaro ng Kapamilya.

Anyway, kahit naka-harness, marami pa rin ang bumilib kay Janine na hindi nagpa-double sa eksena niya sa Victor Magtanggol na muntik mahulog sa mataas na building. Nakakapit siya sa ledge ng building at saka sinagip ni Alden Richards.

Ang taas kaya ng building at kahit may harness, kakabahan ka pa rin, pero ginawa ni Janine ang eksena.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with