Cherie Gil
Cherie kinontra ang bintang na matapobre siya
Vir Gonzales (Pang-masa) - August 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang dating aktres na si Ann Villegas pala ang nagtuturo kay Jo Berry na umarte kaya walang dudang gagaling nga sa pag-e-emote itong si Onay na karakter ni Jo.

Sina Nora Aunor at Cherie Gil naman ay parang natural na lang talaga kung umarte, may nakapagsabi pa nga na parang hindi na umaarte itong si Cherie dahil normal daw niya iyong ugali. Agad naman itong kinontra ng aktres at sinabing in real life raw ay hindi siya matapobre, masyado lang daw talagang matapang ang beauty niya kaya kahit wala sa harap ng camera ay napagkakamalan siyang masungit.

Samantala, agaw pansin naman ang wig ni Ate Guy sa serye nilang Onanay, parang hindi naman daw pinag-isipan ang paglagay nito sa kanya. Masyado raw kasing makapal at magulo. Mabuti pa raw ang buhok ni Onay parang palaging naka-parlor. Dapat pagtuunan ng pansin ito ng hairstylist nila no? para hindi nagiging katatawanan si Ate Guy.

Coco superhero na ang image

Superhero pala ang tingin ng mga artista kay Coco Martin dahil sa pagtulong nito sa kapwa niya kasamahan sa industriya. Muli niya kasing binibigyan ng pagkakataon ang iba sa kanila sa pamamagitan ng pagsama niya sa kanila sa serye nitong FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang huli nga niyang natulungan ay ang dating child actor na si CJ Ramos na kamakailan lang ay nakulong dahil sa paggamit ng droga. Pero ngayon ay nakalaya na at binigyan ni Coco ng chance na mapabilang sa serye niya.

Nandiyan rin sina Marissa Delgado at Rovert Arevalo.

Tama naman kasi si Coco, dapat talagang ibinabalik sa kanilang mga puwesto ang mga artistang nawala sa landas nang sa ganon ay bumalik sila sa dating wisyo.

Mabuti pa si Coco, siya yung tipo ng artistang tumutulong ng walang kasamang cameraman o photographer. Yung iba diyan ay nagpapa-presscon pa at nagpapadyaryo.

Totoo nga atang namana ni Coco ang ugali ni Fernando Poe Jr.

Alden may pag-asang ma-develop kay Andrea?!

Malakas ang dating ni John Estrada sa pagiging kontrabida niya, kahit nakamaskara ito, lutang pa rin ang pag-arte niya.

Samantala masaya naman si Alden Richards sa nakukuha nilang ratings gabi-gabi, marami siyang napapasayang mga tao sa serye niyang Victor Magtanggol. Lalo na kapag kaeksena niya si Andrea Torres.

Hindi kaya ma-develop si Alden kay Andrea? Sa ganda ba naman nito at sexy sinong lalaki ang di mabibighani sa kanya.

Maligayang Kaarawan!

Birthday greetings to August born showbiz ce­lebrants: Atty. Persida Acosta, Pinky De Leon, Cogie Domingo, Marvin Agustin, Jhong Hilario, Marian Rivera, Ian Valdez, Max Collins, Ogie Ignacio, Roldan Castro, Lyka Ugarte, Mell Navarro and Ms. Mel Tiangco.                  

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with