Sanya, na-miss ang kuwentuhan kina Kylie at Gabbi

MANILA, Philippines — Kitang-kita ang nakakatuwang chemistry ng Kapuso stars na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia nang muli silang pagsama-samahin para sa episode ng GMA program na Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan gumaganap sila na magkakapatid na mangkukulam.

Para kay Sanya, resulta ito ng sobra nilang pagkaka-miss sa isa’t isa. Sa katunayan, tuwing hindi nga raw sila nagshu-shoot sa set, todo ang chikahan nila tulad noong magkakatrabaho sila sa GMA telefantasya na Encantadia. Dagdag pa ni Sanya, na-miss niya ang bigayan nila ng advice sa isa’t isa sa tuwing may problema ito. Aba, para talagang magkakapatid na ang turingan niyo, ha.

 

 

Show comments