Parada ng PPP, nakansela sa ulan

Parada ng PPP, nakansela sa ulan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 12, 2018 - 12:00am

Dahil sa matinding pag-ulan kahapon, nakansela ang naka-schedule na Parade of Stars ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018. Sayang, naghanda ang mga producer ng walong pelikula ng float na sasakyan ng mga bida na magmumula sa MTRCB office sa Timog hanggang sa Quezon City Memorial Circle.

Pero hindi talaga kinaya. Wala silang nagawa sa panahon.

Itutuloy na lang umano ang parada at iba pang activities sa Martes. “We want our PPP ENTRIES to get the best out of this event and for their fans to see them represent their most awaited film. But everyone’s safety is our first priority. We are hence rescheduling the Pista at the Park event to Tuesday August 14, 2018 (venue to follow). Thank you for your understanding. #lumabanperoinulan,” sabi ni Ms. Liza Dino chair and CEO ng organizer ng PPP, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ang ganda pa naman ng float ng A Day After Valentine’s and Pinay Beauty na dalawa sa eight official entires sa PPP 2018 na magbubukas sa mga sinehan nationwide sa August 15 until August 21.

Si Atty. Joji Alonzo, producer ng Pinay Beauty ay nagdurugo ang puso sa nangyari. “Our PinayBeauty Float... After putting in so much hard work, the parade gets cancelled because of the rain. For an independent film outfit like ours and most of our co-entries to the Pista ng Pelikulang Pilipino, our hearts bleed,” sabi ni Atty. sa kanyang Facebook account.

Sana naman talaga ay bumuti na ang panahon sa Martes.

Kahapon kasi talagang apektado ang buong Metro Manila sa matinding ulan. Baha ang kapaligiran at malakas ang hangin. Ang Roxas Boulevard, nagkalat ang basura matapos bahain at umapaw ang tubig sa Pasig River.

PPP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with