^

Pang Movies

Sinusumpa ng staff, actress/TV host namimili ng mga bibiktimahin ng kaartehan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Naku, kahit pala may mister na si actress/TV host ay hindi pa rin natitigil ang tsikang difficult siyang katrabaho, huh!

Sa isang out of the country show raw kung saan ay nakasama siya ng napakaraming mga celebrity, si actress/TV host ang pinag-uusapan ng mga staff dahil sa kanyang kaartehan.

Pinaghati-hati raw sa ilang grupo ang mga celebrity na kasama roon at tanging sa grupo lang nila namroblema ang ilang staff.

At ang problema nga raw ay si actress/TV host, kaya irita sa kanya ang ibang staff.

May nagsabi pa nga na puwedeng pagpasensyahan ang kanyang kaartehan kung nasa Pilipinas sila, pero ibang usapan na raw kung sa abroad nga sila nagsu-show. Nakadagdag nga lang daw siya ng pressure sa grupo nila.

May iba rin naman daw na masasabing pasaway rin kapag nasa Pilipinas sila, pero that time, siya lang daw ang nagpaka-difficult, huh!

“Mabuti pa nga ‘yung mga mas senior pa sa kanya, sobrang bait at cool lang, pero siya, maldita pa rin!” sey ng isang naka­tsikahan ko.

Well...

Pero masuwerte nga pala si actress/TV host dahil may isang staff naman na nakasama rin sa out of the country show na ‘yon ang ipinagtanggol naman siya.

“Ako naman kasi, walang naging problema sa kanya. Ginawa naman niya ‘yung mga ipinagawa ko sa kanya. Siguro, may mga nang-iintriga lang sa kanya dahil minsan ‘yung dating niya, parang mataray dahil hindi naman kasi sweet ang dating ng mukha niya. Pero, ‘di ba, ganoon naman talaga lang ang dating niya, pero nice rin naman siya?” sey naman ng isang nakausap ko.

Teka! Hindi kaya namimili lang kasi si actress/TV kung kanino siya magiging nice at kung kanino mag-a-attitude?

Well...

Joem hinihintay kung makakaabante kay Lovi

Ang The Annulment kaya ng Regal Entertainment ang tuluyang makapagpabago sa level ng career ni Joem Bascom?

Si Joem kasi ang leading man ni Lovi Poe sa nasabing pelikula.

Maganda ang role ni Joem at siguradong mapapansin talaga siya ayon sa kausap  ko.

In fairness, magaling naman talagang umarte si Joem, kaya naman hindi nakakapagtaka na siya ang napili ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na bigyan ng magandang role sa pinagbibidahan ni Lovi.

Yasmien naaalala ang mister tuwing nakakarinig ng eroplano

Ang sweet naman ni Yasmien Kurdi.

Sa tuwing nakakakita raw kasi siya ng plane na dumadaan sa himpapawid, naaalala raw niya ang mister na si Rey Soldevilla.

Piloto kasi ang mister ni Yasmien.

Maunawaing mister nga pala si Rey, kaya wala rin daw problema si Yasmien na ipagptuloy ang kanyang showbiz career dahil naiintindihan daw ng kanyang mister kung gaano niya kamahal ang kanyang pagiging artista.

Top rating afternoon series nga pala ng GMA 7 ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na pinagbibidahan ni Yasmien.

ABS-CBN at GMA 7 hindi nagka-interes, TV5 kasado na ang coverage kay Kris sa Hollywood

Nasa Los Angeles, California na ang showbiz anchor ng TV5 na si MJ Marfori.

Ang TV5 mismo ang nagpapunta kay MJ sa L.A. para sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians.

Sabi ni MJ, ang Warner Bros. daw ang nagbigay sa kanya ng access sa nasabing event.

Pati raw major cast ng Crazy Rich Asians ay mai-interview ni MJ, bukod pa kay Kris Aquino na siyang main reason ng kanilang coverage.

Support daw sa first red carpet premiere event ni Kris ang coverage nilang ‘yon.

Kaibigan ni Kris ang TV president na si Chot Reyes, kaya may access si MJ sa maraming mga lakad ni Kris sa L.A. bukod pa sa red carpet event ng Crazy Rich Asians.

Samantala, kasama sa mga iinterbyuhin ni MJ si Nico Santos (isang Pinoy stand-up comedian na ang role sa pelikula ay pinsan ng bida na magme-make-over kay Constance Wu).

Ang bongga at ang haba nga raw ng role ni Nico sa pelikula, kaya nagbubunyi ang mga Pinoy, huh!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with