JC at Bela may pressure na mag-no. 1 sa PPP
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 4, 2018 - 12:00am

Medyo mabigat ang challenge kina Bela Padilla, JC Santos at director Jason Paul Laxamana, dahil marami ang nagsasabing dapat maging top grosser din ang pelikula nilang A Day After Valentine’s na isinali ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 at ipapalabas sa darating na Agosto 15. Kasi noong nakaraang taon, ang pelikula rin nilang 100 Tula Para kay Stella ang naging top grosser.

 

Palabas naman sila sa mga sinehan sa buong bansa pero hindi rin naman inaasahang daang mil­yon ang kita kagaya ng Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil hindi naman ito kapareho ng panahong sinasabi ngang napakalakas ng mga sinehan, pero mabigat pa ring challenge na maging top grosser.

Kung sabagay, si Bela naman ay kilala na sa mga pelikulang kumikita talaga. Hindi mo masasabing box office record breakers, pero kumikita. Wala pa naman siyang pelikulang naghihilahod sa takilya. Eh lately ang mga pelikula naghihilahod sa ta­kilya. Mayroon pa ngang panay block screening na lang ang ginawa at n­aghakot na lang ng audience kahit na libre na, pero in the end, naghihilahod pa rin ang kanilang box office record.

Si direk Jason Paul Laxamana naman, marami na ring pelikulang kumita. Nakagawa na rin naman siya ng maraming mainstream movies. Hindi naman siya kagaya ng iba na puro indie lang ang alam gawin at hindi marunong gumawa ng commercial film. Kaya nga maraming naniniwala na mukhang kikita rin ang pelikula nilang A Day After Valentine’s.

Isa pang pambatak sa pelikula ay ‘yun kuwento. Sanay tayo sa Valentine’s story eh. Pero ano nga ba ang nangyayari the day after?

Victor Magtanggol inaasahang makakabawi sa Probinsyano

Sa unang araw ng sagupaan, taob pa rin si Alden Richards kay Coco Martin sa overnight survey ng AGB-Nielsen NUTAM, na nagbigay kay Coco ng 14.8 laban kay Alden ma 12.7 percent lamang. Ang Kantar Media naman ay nagbigay kay Coco ng 40.5 at sa kanya ay 18.7 lang.

Nagkaroong muli ng spot survery noong Agosto 1, o sa ikatlong araw ng sagupaan.

Binigyan ng NUTAM ng 14.8 si Coco, at 10.5 si Alden. Sa Kantar naman, binigyan ng 40.5 si Coco samantalang 17.1 si Alden. Kung pagbabatayan mo, sa ikatlong araw ng sagupaan ay mas lumaki pa ang lamang ng audience share ni Coco laban kay Alden.

Hindi natin masasabi kung after one week ay makabawi naman ang serye ni Alden.

Pagbabanyo ng isang artista, in-upload pa sa social media

Kami hindi sa kani-kanino ha. Minsan naman sana ay bigyan ng respeto at privacy ang mga artista. Hindi napatay ang audio at video assist sa shooting ng isang pelikula kahit na “cut” na ang eksena. Dinig na dinig mo ang sinasabi ng isang actor na kailangan niyang magpunta sa comfort room. Aba, isipin mo ba namang gawing katatawanan iyon at ang masama ini-upload pa sa social media.

“Ano ba akala ninyo sa artista, hindi na nagpupunta sa comfort room,”sabi na lang ng actor na ayaw lang sigurong magpahalatang napikon din. Isipin mo iyong i-save pa iyon sa video, at i-upload pa. Kung minsan ang mga biruan hindi na maganda.

JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with