^

Pang Movies

Alden pinatunayang hari sa Twitter

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden pinatunayang hari sa Twitter
Alden

Minsan pa ay pinatunayan ni Alden Richards na siya pa rin ang hari ng Twitter nang maghapong mag-trending last Monday ang bago niyag telefantasya na Victor Magtanggol sa pagsisimula nito nang gabing iyon.

 

Umaga pa lang ay trending na ang serye sa hashtag na #VictorMagtanggolAngSimula at kadalasan ay nasa no.1 spot pa sa buong maghapon. Ilang oras bago mag-pilot, nag-stay na ito as number one at hindi na natinag kahit ilang oras nang tapos ang palabas.

Pero ang talagang lumikha ng matinding ingay at kilig ay ang tweet ni Maine Mendoza expressing her support para sa ka-loveteam.

Tweet ni Maine noong Lunes ng hapon, “Congratulations sa dream project, @aldenrichards02! You will always have my support. Best of luck and stay happy!”

At siyempre, lalong kinilig ang mga fans nang sumagot ng pasasalamat si Alden.

“Maine thank you ng sobra,” sagot ni Alden.

Maging ang mga Kapuso talents ay nag-tweet din ng kani-kanilang good luck messages at support for Alden. Isa nga sa nakita naming nag-tweet ng kanyang suporta ay ang Kapuso Primetime King no less na si Dingdong Dantes.

At siyempre, hindi rin matatawaran ang suporta sa kanya ng Eat Bulaga dabarkads niya.

After the pilot, for sure ay tumodo pa ang kaligahayan ni Alden dahil sa napakaraming nag-congratulate sa kanya at  pumuri sa serye mula sa acting niya and the whole cast, direksyon (ni Dominic Zapata) cinematography at special effects.

Nagpasalamat naman si Alden sa Twitter sa lahat ng sumuporta sa kanyang first comeback at first solo telefantasya.

Megan at Mikael mas nagkasundo sa aso

Marami palang common denominator ang showbiz couple na sina Megan Young at Mikael Daez kaya naman hindi nakapagtatakang nagkakasundo sila at sa ngayon nga ay nasa 7th year na ang relasyon.

Bukod sa pareho silang traveler at adventurer, pareho rin silang mahilig sa aso.

Sa isa sa mga posts nga ni Mikael sa kanyang Instagram, makikita ang mga larawan na habang natutulog sila ni Megan (nang magkahiwalay) ay pareho nilang katabi ang kani-kanilang alagang aso.

“The one common denominator in our napping routine! :p #dognapper,” ang caption ni Mikael.

Makikita rin sa mga latest posts ng showbiz couple na kasalukuyan pa rin silang nasa bakasyon sa Paris.

Samantala, parehong napapanood ngayon sina Mikael at Megan sa serye nilang The Stepdaughters with Katrina Halili.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with