^

Michael pinatunayang ‘di sila naghiwalay ni Garie

Joe Barrameda (Pang-masa) - July 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang pagdalo ni Michael Pangilinan sa premiere night ng The Lease ang nag-disclose ng tsismis na hiwalay na sila ng nobyang si Garie Concepcion. He was there to support Garie, bale ba ay unang movie ito ng nobya.

 

“We are okay, hindi naman siya pupunta rito kung hindi, ‘di ba?” ani Garie.

First movie ni Garie ang The Lease at ito ay intended for an international release. Isa itong psycho-thriller-horror film at idinirek ng Italian director na si Paolo Bertola.

Ang leading man dito ni Garie ay isa ring Italiano, si Ruben Maria Soriquez.

Gumaganap namang anak nina Garie at Ruben ang child actor na si Harvey Almoneda, 11-year old na kid na nahasa na sa mga drama anthologies at stageplays na nasalihan niya.

Based on the novel by Mario Alaman, who also produces the film, The Lease ay palabas na in cinemas on July 25, 2018.

Marian at Alden makikipagkulitan kay Arnold

Nagdiriwang ngayong buwan ng third anniversary ang Sunday PinaSaya at maraming followers ng programa na ang nag-aabang sa guesting ng ilan sa mga host nito sa late-night talk show ni Igan na Tonight with Arnold Clavio (TWAC). Ito ay matapos ibahagi ni Igan sa kanyang IG account ang ilang photo at video during the taping for the said episode kung saan Marian Rivera at Alden Richards lang naman ang guests niya. Kasama pa sa nasilip naming mga pangalan ang ibang SPS hosts na sina Lovely Abella, Kim Last, Boobsie Wonderland, at Taki Saito. Tiyak na masaya ang episode na ito lalo na’t maraming pakulo si Igan sa kanyang guests every week. Mapapanood ang TWAC sa GMA News TV tuwing Miyerkules ng gabi.        

MICHAEL PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with