^

Pang Movies

Bimby damay sa pakikipag-ayos ni Kris sa asawa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bimby damay sa pakikipag-ayos ni Kris sa asawa
Bimby, Vice Ganda, at Kris

Nagkaayos na nga sina Vice Ganda at Kris Aquino matapos mag-invite ang una sa huli na manood ng I Love You Hater sa Trinoma last Saturday night (July 21).

Napanood sa Instagram and Facebook Live ni Kris ang madamdaming pagkikita nila ni Vice Ganda kung saan ay mahigpit silang nagyakap at hindi napigilan ni Kris ang mapaiyak sa sobrang katuwaan.

Nagyakap din nang mahigpit sina Vice Ganda at Bimby at halata naman talaga sa Unkabogable star na love na love niya ang bunsong anak ni Kris.

Sa IG post ni Kris kahapon, kitang-kita pa rin ang labis na tuwa sa kanyang mga pahayag.

“My bunso never wavered in his LOVE for his Tito Vice, @praybeytbenjamin- maybe ngayon maiintindihan nyo na kung bakit nanahimik kaming nakatatanda kahit pilit gustong intrigahin. Because #satruelang we both prio­ ritized this very loving & lovable boy...

“I chose @piolo_pascual’s version of THANK GOD I Found You because it was from STAR RECORDS album ‘We are 1’ released for Bimb’s 1st birthday. Listen to the lyrics- yun po ang laman ng puso ko... i am sure @garciajoshuae & @juliabarretto are as grateful as Bimb & me are sa generosity & effort ni Vice, my asawa to support ‘I Love You Hater’ still showing from @starcinema,” ang caption ni Kris sa video ng emotional reconciliation nila ni Vice Ganda.

Jon nilubos na ang paglalantad sa pamilya

Ilang sandali lang matapos uma­min si Jon Lucas sa presscon ng movie niyang Dito Lang Ako last Friday, nag-post na agad ang Hashtag member ng larawan nila ng 8-month-old baby niyang si Brycen Christian.

“I am proud of many things in Life, but nothing beats being a FATHER. I LOVE YOU, Baby!” ang caption ni Jon sa kauna-unahang picture ng anak na ipinost niya.

Pagkatapos nito ay nagsunud-sunod na ang upload ni Jon ng larawan ng baby niya at mararamdaman mo talaga sa kanya ang pagiging proud daddy.

Sa second post niya ay nagpasalamat siya sa lahat ng naka­unawa sa kanya at sumusuporta pa rin sa kanya hanggang ngayon.

“Buong puso ako nagpapa­sa­lamat sa lahat ng malalapit sakin at sa mga sumusuporta sa­kin na hanggang ngayon andiyan pa rin sa tabi ko. Higit sa lahat maraming salamat po sa Diyos na ­aking pinaglilingkuran! Mas lalo akong sabik magpasalamat sa araw ng bukas dahil sa tagumpay na natanggap ko ngayong araw na ito!” caption ni Jon.

Nang makausap nga namin si Jon sa presscon ng Dito Lang Ako, sinabi niyang sabik na rin daw siya na mag-post sa social media ng family picture nila.

Kaya naman heto ngayon at nilulubos talaga niya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with