Alden Richards at Maine Mendoza
Alden at Maine may pasabog
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 16, 2018 - 12:00am

Today is the Feast of Our Lady of Mt. Carmel at third anniversary celebration ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. And for the last three years, wala pa ring makatibag sa popularity ng kanilang love team (as per the report ng Twitter) na nagsimula noong July 16, 2015 nang una silang nagkita sa kalyeserye ng Eat Bulaga, on split-screen.

Marami na ring pinagdaanan ang magka-love team, ang mga bashings na natatanggap nila sa mga ayaw silang patahimikin, pero sina Alden at Maine, hindi nila ito pinapansin, ginagawa lamang nila ang lahat para mapasaya ang kanilang mga fans. Suportado rin sila ng JoWaPao, Dabarkads ng EB at mga true and loyal fans nila.

And to make their 3rd anniversary special, bumalik na si Alden mula sa taping niya ng Victor Magtanggol sa abroad sa labis na kasiyahan ng AlDub Nation (ADN). May special Holy Mass sila at 8:00AM today para kina Alden at Maine to be officiated by Fr. Jeff Quintela na malaki rin ang kaugnayan sa AlDub at ADN. Abangan kung ano naman ang inihanda ng Eat Bulaga para sa 3rd anniversary ng AlDub at ADN.

Bea, Sunshine at Benjamin masusubukan na

Huhusgahan na ngayong umaga ang bagong family drama series na Kapag Nahati Ang Puso na magtatampok sa dalawang nagbabalik-Kapuso na magkaaway sa story, sina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga. Kasama nila na pag-aagawan din nila si Zoren Legaspi, at pag-aagawan naman nina Sunshine at ng hindi niya kilalang tunay na anak si Bea Binene, ang boyfriend nilang si Benjamin Alves.

Kaabang-abang ang mga eksena sa pagsisimula pa lamang ng serye na dinidirek ni Gil Tejada, Jr. at 11:30 AM bago ang Eat Bulaga.

Unang Lakorn ng GMA magtatapos na

Last two nights na lamang mapapanood ang You’re My Destiny, ang first Lakorn, ang teleseryeng gawa sa Thailand na nakuha ng GMA Network.  Maraming na-hook sa panonood nito dahil para rin daw silang nanonood ng mga kinasanayan na nilang Koreanovela, plus parehong good-looking ang mga bidang gumanap bilang sina Martina at Paolo. Sa papatapos na dalawang gabi, malalaman ba ni Martina kung bakit ayaw na siyang balikan ng dating asawang si Paolo? Pareho nilang mahal ang isa’t isa kaya sila pa rin ba ang destined hanggang sa huli?

Mapapanood ito pagkatapos ng Inday Will Always Love You at papalitan ito sa Wednesday ng isa pang Lakorn, ang romantic-comedy series na Princess Hours.

ALDEN RICHARDS MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with