Premyadong aktres na malaki ang talent fee, inaasa ang buhay sa free breakfast

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 26, 2018 - 12:00am

Naaliw ako sa isang bading na napagkuwentuhan naman ng dating personal make-up artist ng isang premyadong aktres.

May pagka-inuyat pala ang premyadong aktres.

Naloka raw si make-up artist nang sunduin niya ng napakaaga sa bahay si premyadong aktres dahil may taping sila at nag-request siya na sana ay mag-drive thru naman muna sila para magkalaman ang kanilang mga sikmura.

“Pero ayaw raw ni ______ (pangalan ni premyadong aktres) dahil may FREE breakfast naman daw sa taping at sayang naman kung gagastos pa siya!

“Sa laki naman ng TF (talent fee) ni ______, sobra naman pala ang pagkakuripot!” sey ng source ko.

Naalala ko tuloy ang isang aktor na noong teen years pa niya ay masyadong maaga kung pumunta sa set kahit after lunch pa naman ang kadalasang call time niya.

Ang dahilan pala, breakfast pa lang ay nakikikain na sila ng kanyang driver sa taping para makatipid.

Sa showbiz, kahit maraming malalaki ang TF, sobra namang kukuripot, ‘noh!

Anak ni Cristalle nadagdagan na ng timbang

Ang latest Instagram post ni Cristalle Belo-Pitt (@cristallebelo) tungkol sa kanyang baby boy na si Hunter James Pitt, “I know babies ‘can’t smile’ but he does this all the time so I’ll consider it a SMILE. Besides, someone told me they smile coz they’re playing with angels... what a nice thought to have. It makes my heart melt every time #HunterJamesPitt.”

Nang makatsikahan ko naman si Cristalle sa birthday dinner ni Ruffa Gutierrez noong Sunday sa Cru Steakhouse sa Manila Marriott Hotel, sinabi niyang nadagdagan na ang timbang ng kanyang anak.

Hopefully raw ay tuluyang bumuti na si Baby Hunter James.

Nagpapasalamat din si Cristalle sa mga nagda­rasal para sa pagiging healthy ng panganay nila ng mister na si Justine Pitt.

Samantala, dahil kapapanganak pa nga lang, kapansin-pansin ang paglaki ng boobs ng anak ni Dra. Vicki Belo.

Eddie mabilis gumaling, masipag sa therapy

Wala si Eddie Gutierrez sa birthday dinner ni Ruffa sa Cru Steakhouse, pero um-attend naman siya sa birthday dinner ng kanyang nag-iisang anak na babae sa Manila Hotel noong Saturday night.

Ayon kay Annabelle Rama, mabilis ang pagga­ling ni Tito Eddie after na maoperahan sa isang tuhod.

Masipag daw kasing um-attend ng kanyang phy­sical therapy ang mister.­

Inaasahan ni Bisaya na in a month time pa ay puwede na uling makapag-taping si Tito Eddie.

EDDIE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with