Halikan nina Coco at Yassi sa dressing room pinagpipistahan!

Coco Martin at Yassi Pressman

Pinagpipistahan ngayon sa internet ang video at larawan nina Coco Martin at Yassi Pressman na nagbebeso habang nasa dressing room sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Super-bilis lang ang pagbebeso nila as in segundo lang pero medyo madilim ang kuha kaya maraming nalilito kung sa lips ba o sa cheek naghalikan ang dalawa.

Tila nagpapaalam na si Yassi kay Coco kaya nag-beso na sila na normal lang naman sa showbiz.

Sa unang tingin ay aakalain mong sa lips sila nag-smack pero pag tinitigan mo, makikita mong sa cheek lang ito na medyo malapit sa lips.

Ini-screenshot ng ilang netizens ang kiss at sa larawan, mukha ngang sa lips ang halikan at siyempre, nabigyan na ng malisya since still photo na ito.

Sa larawan, kasi ay nakaakbay si Coco kay Yassi habang kini-kiss niya ito at ang aktres naman, nakahawak sa leeg ng leading man. Kaya kung picture lang ang makikita mo, med­yo iba nga ang iisipin mo especially kung hindi mo nakita in action na sanda­ling-sandali lang naman ang kiss.

Makikita rin sa clip na walang kamali-malisya sa dalawa ang smack nila pero ang mga netizens ang naglagay ng kulay at kung anu-ano nang comments ang ipinost nila.

Ang daming nagtatanong kung paano na raw ngayon si Julia Montes na as we all know ay rumored girlfriend ni Coco.

Ang iba naman ay nag-bash na kay Yassi at kung anu-ano nang negative comments ang kanilang ibinato. Kinukuwestiyon nila kung bakit sa leeg pa raw nakahawak ang aktres. Hininala na agad nila na may feelings daw si leading lady for Coco.

Ang dami ring nalungkot para kay Julia at pina­yuhan pa ang aktres that she deserves someone better.

Pero syempre, ang mga CocoYass fans ay kinilig at natuwa naman dahil gusto nilang magkatuluyan ang kanilang mga idolo.

Nakakaloka lang na ang isang simpleng beso na “wala lang” naman ay ganito katindi ang naging reaksyon ng fans and netizens. Ang iba, kulang na lang ay ipako sa krus si Yassi at parang ang tindi ng kasalanang ginawa.

Alden malapit nang mapanood sa primetime

Now it can be told na isang superhero ang magiging role ni Alden Richards sa upcoming drama-action-fantasy-adventure niya sa GMA-7 na Victor Magtanggol.

Siyempre, sobrang excited si Alden dahil matagal na raw niyang dream na gumanap na superhero at isa siyang big fan ni Iron Man.

Proud na proud din siya sa kanyang costume na aniya gawang-Pilipino.

At hindi raw biro ang naging proseso ng pagbuo ng kanyang costume mula sa pagsusuot ng body cast.

Hindi lang si Alden ang excited sa bagong show kungdi maging ang fans niya at televiewers na hindi na makapaghintay na mapanood ang serye. So far ay wala pang announcement ng airing date pero as we can see, mukhang all set na ang lahat which means malapit na malapit na ito.

Show comments