^

Pang Movies

Kris tanggap na hindi na makakabalik sa TV habang nakaupo si Pres. Digong

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris tanggap na hindi na makakabalik sa TV habang nakaupo si Pres. Digong
Kris Aquino

Alam ni Kris Aquino ang dahilan kung bakit hindi pa siya makabalik sa ABS-CBN now at tanggap niya raw ito.

“I know the realities of life, and I also know that their (ABS-CBN’s) franchise is at stake. I’m being so honest, deretsahan na ‘yan,” pahayag ni Kris sa presscon ng I Love You Hater.

“So, why would they risk it by giving me a show? Especially na kahit wala naman kaming issue ni Presidente (Rodrigo Duterte), hindi naman ako type ng supporters niya. So, naiintindihan ko kung bakit wala.

“Pero they see me every night, if they want to. I’m online,”dagdag pa ng aktres.

Sinabi rin ni Kris na nagpapasalamat siya sa kanyang 53 endorsements at sa kanyang pagiging Digital Empress na siyang iniisip niyang dahilan kung bakit siya kinuha ng Star Cinema for this movie.

Pero may sinabi rin ang Digital Media Queen na palaisipan dahil tila may pinaplanong show for her na hindi niya sinabi kung network o isang kumpanya na ine-endorse niya.

“I was forbidden to say more, I’m sorry. Sinabi ko nga, eh, normally wala akong kinatatakutan pero ang kontrata at non-disclosure agreement, kinakatakutan ko.

“’Yung gusto n’yo namang mangyari, mangyayari pero sa tamang panahon pa raw pwedeng sabihin kung kelan. I’m sorry about that. I apologize also kasi kailangan kong respetohin ‘yung mga taong nagbibigay sa akin ng mga opportunities,” ani Kris.

Ang tanging detalye lang na ibinigay niya, it will happen much sooner than we expect it.

“It will just be happening on all of these things you’re holding right now,” paghi-hint pa ni Kris.

So, perhaps a digital show?

Well, abangan na lang natin.

Therese Gaston pansin na pansin sa Miss Manila 2018

Ipinakilala na sa media ang 32 candidates who will join for the Miss Manila 2018 beauty pageant na sinimulan ng Cityof Manila sa ilalim ng pamununo ni Manila Mayor Joseph Estrada, her daughter, Jackie Ejercito na siyang pageant director and the founder of MARE Foundation at ng Viva Live.

Ginanap ang press presentation sa Manila Hotel last Tuesday at siyempre, present sina Mayor Erap and daughter, Jackie na punong abala sa event.

Umagaw agad ng atensyon si candidate no. 16 na si Therese Gaston na isang volleyball player ng Lady Eagles ng Ateneo. At siyempre, lamang na siya sa following dahil may mga fans na siya bilang atleta.

Maiuwi kaya ni Therese ang korona? Well, yan ang dapat abangan sa grand coronation night na gaganapin sa June 26, 8pm at Philippine International Convention Center (PICC) Reception Hall. TV airing will be on July 1, ABS-CBN’s Sunday’s Best, after Gandang Gabi Vice.

Ang mananalong Miss Manila 2018 ay tatanggap ng prize package worth P1M (P500,000.00 cash prize plus Viva management contract worth P500,000.00. Ang 1st runner-up naman ay tatanggap ng P350,000, habang ang 2nd runner-up ay mag-uuwi ng P250,000, 3rd runner-up receives P150,000 and P100,00 for the 4th runner-up.

In celebration of Araw ng Maynila, proceeds of this year’s pageant will benefit MARE Foundation na pinamumunuan ni Jackie.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with