^

Pang Movies

Jodi nangayayat dahil sa hiwalayan nila ni Jolo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jodi nangayayat dahil sa hiwalayan nila ni Jolo!
Jodi Sta. Maria

Wala na nga ba sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla?

Nagsimula lang naman ang mga tsismis nang batiin ni Jolo ng happy birthday si Jodi sa social media, at marami ang nakapansin na ang tawag na lang ng actor sa female star ay “Jods”, hindi na kagaya ng dating mayroong “my love”.

Sumunod doon ang ispekulasyon na masyado na raw kasing nangangayayat si Jodi na mukhang may pinagdadaanan na naman. Kaya kumalat na baka ang dahilan ay split na sila ni Jolo.

Personal na nila iyan. Nabanggit nga lang namin dahil may mga nagtatanong. Wala kaming pakialam sa mga ganyang bagay.

?Mga producer??, MMFF? ?na lang ang laging inaabangan

Hindi iyang mga low budget films, at mga pelikulang puro baguhan ang mga artista ang siyang sagot sa problema ng industriya ng pelikula. Ang sinasabing problema ng industriya ay wala halos nanonood ng pelikulang Pilipino, kaya karamihan sa mga iyon ay hindi naipapalabas sa mga sinehan. Ang ginagawa naman ng iba, bubuo ng festival, magkakaroon sila ng sharing sa mga sinehan, para lang maipalabas sila sa mga pito o sampung nano­nood lamang bawa’t screening. Natural ang organizer ng festival ang mananagot sa minimum guarantee ng mga sinehan.

Naiintindihan naman namin ang mga sinehan, bakit nga naman sila magtitiis na ang kita lamang ay minimum guarantee kung maaari naman silang kumita ng mas malaki. Kaya ang nangyayari madalas, isang malaking pelikulang Ingles ang palabas sa lahat ng sinehan sa isang buong mall, at hindi makasingit ang mga hotoy-hotoy na pelikulang Pilipino.

Minsan mangiyak-ngiyak ang isang director sa amin. Namumuhunan siya sa pelikula niya. Nakakuha naman siya ng playdate, pero doon sa isang mapang­hing sinehan sa Cubao, at isang mapanghing sinehan din sa Maynila, at apat na araw lang ang showing. Eh ganoon na nga ang pelikula mo, tapos ilalabas pa sa mapanghing sinehan, papaano ka nga naman kikita. Eh ang katuwiran naman ng mga sinehan, ilabas mo man iyan sa malaking sinehan na malakas ang aircon, wala pa ring manonood.

Gumising na tayo. Wala na tayong ginagawang malaking pelikula kung di para sa Metro Manila Film Festival. Tingnan ninyo, ngayon pa lang pinag-uusapan na ang pagsasanib ng puwersa nina Coco Martin at Vic Sotto. Siguradong hit iyan. Pero bakit hindi tayo makagawa ng ganyang pelikula kung hindi festival? Sa MMFF, nag-aagawan sila sa audience dahil lahat hits. Nag-aagawan sila sa iilang sinehan. Kung gagawa sila ng ganyang mga pelikula sa labas ng festival, mas malaki ang kikitain nila dahil wala silang kakumpitensiyang big hit din. Bakit nga kaya ayaw nila?

Sikat na aktres inaayos na ang paglundag sa kalabang network!

 Isang TV reporter ang nagkuwento sa amin na dalawang ulit na raw niyang nakita ang isang big female star mula sa kalaban nilang network na nakikipag-kita sa ilang executives ng network nila. Mukha daw inaayos na ang paglipat ng female star dahil “gusto na talaga niyang makakawala sa love team niya”.

Hindi naman namin masasabing ganoon nga dahil mukhang marami pang plano ang mga ma­nagers niya para sa female star, at obvious na kung lilipat siya ng network, wala na ring pakialam ang mga managers niya. Kung sa bagay ang kasama raw ng female star sa meeting ay ang nanay at tatay niya. Baka nga nag-iisip na sila. Baka rin naman fami­ly affair nila iyon at nakasabay lang ang mga executives ng network. “Pero dalawang beses na?” tanong ng TV reporter na informant namin.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with