Arci lutang na lutang ang mga pinaretoke

Arci Muñoz

With the recent release on TV ng pelikulang Always Be My Maybe na pinagbidahan for the first time nina Gerald Anderson at Arci Muñoz na idinirek naman ni Dan Villegas, halata nga ang malaking ipinagbago ng mukha ni Arci.

Kung sabagay, ‘di rin naman itinatanggi ni Arci na sumailalim siya sa pagpaparetoke.

Hindi puwedeng itanggi ang comparison, dahil iba na rin ang hitsura niya sa teleserye niya ngayon with  Piolo Pascual, titled Since I Found You.

In fairness naman kay Arci, bumagay naman sa kanya ang ginawa niyang pagpapa-‘renovate’ sa kanyang face, although hindi naman na talaga kailangan ng retoke dahil maganda na rin naman siya dati.

Kasabay ng pagpapabago ng mukha, aktres nagkaroon bigla ng class

Samantala, kasabay ng ‘pagbabago’ ng mukha ng isang aktres na ito, ay nagbago rin ang kanyang gawi, na ngayon ay may bahay na ng isang kilalang celebrity.

Nagkaroon siya ng kakaibang finesse, bukod sa tamang pagdi-display ng good manners and right conduct.

Jake bigla nalang naging extra?!

Tanong lang, bakit kaya biglaang lumamlam ang career ni Jake Cuenca?

Heto at parang ekstra lang siya sa top series na The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Bakit nga kaya? Since nagbida na rin siya sa ilang projects before? As usual, nagtatanong lang.

Walwal, tatapatan ang Bagets at Pare Ko

Ang upcoming film na tungkol sa mga kabataan ngayon ang kuwento ng pelikulang Walwal na Regal Entertainment at Star Cinema ang nag-produce.

Mapalitan na kaya ang pelikula noon nina Aga Muhlach, William Martinez at Herbert Bautista na Bagets dahil sa mga nagsusulputang pelikula ngayon na madalas bida ang mga millennials? Na­riyan din ang pelikulang Pare Ko na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Jao Mapa.

Kung titingnan mo, kung sabagay, mukha namang maganda ang Walwal na idinirek ni Direk Joey Javier Reyes. Nariyan din ang mga millennial performers na bida ng nasabing pelikula, sina Donny Pangilinan, Jerome Ponce, Kiko Estrada at Elmo Magalona.

Kasama rin nila dito sina Kisses Delavin, Jane de Leon, Devon Seron at Sophia Senoron.

Show comments