^

Pang Movies

Kaibigan ni Ara nagsalita sa isyung pang-aagaw ng lalaki!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kaibigan ni Ara nagsalita sa isyung pang-aagaw ng lalaki!
Say Alonzo

Isa ang PBB (Pinoy Big Brother) alumna na si Say Alonzo sa sumali sa fun run ni Ara Mina noong Sunday sa Philippine Arena.

Best friends sina Say at Ara.

More than 10 years na ang friendship nila at pa­lagi silang nagkakasama.

Suwerte nga si Ara dahil bilang BFF, defender din niya si Say.

Nang makausap ko si Say kahapon, siya na ang nagtanggol kay Ara tungkol sa tsikang may relasyon ito sa isang married man at sinugod daw ito ng misis ng lalaking ‘yon.

Aware ba si Ara sa tsikang ‘yon?

“Actually, ipinadala ko kay Hazel (Ara) ‘yung screencap no’ng tsikang ‘yan. Pero hindi raw totoo. Wala raw ganoong pangyayari na may eksena sa ladies room.

“Ang alam ko, dedma na lang si Hazel dahil hindi nga totoo. Hindi na lang niya papatulan ‘yan!” sabi ni Say.

Nilinaw rin ni Say na ayaw palakihin ng kanyang kaibigan ang issue na ‘yon dahil hindi nga raw talaga totoo.

“Walang ganoong ganap!” paglilinaw pa ni Say.

Tungkol naman sa love life ni Ara, ang alam daw nila na mga kaibigan nito ay walang boyfriend ang aktres.

“Wala. Walang boyfriend si Hazel ngayon. Kung meron, sana nalaman na namin. Palagi kaming magkakasama. Sinasabi rin naman niya na wala talaga.

“Wala rin naman kaming nakikita. Saka knowing Hazel, hindi naman siya maglilihim sa aming mga kaibigan niya,” pagtatanggol pa ni Say kay Ara.

Sa ngayon, kahit iniintriga raw, masaya si Ara sa tagumpay ng charity fun run nito, pati na rin sa magandang business, sa anak, sa family at sa kanyang mga kaibigan.

Ogie aligaga sa indie movie

Kahapon ay abala sa shooting ng Kuya Wes, ang kanyang Cinemalaya entry, si Ogie Alcasid. Excited siya para sa nasa­bing pelikula.

Nang tanungin ko kung pang-award ba ‘yon, ang sabi ni Ogie ay, “Hopefully, pang-award!”

Anyway, sobrang busy raw siya ngayon at halos walang pahinga dahil bukod sa nasabing pelikula ay may four TV shows din siya sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home, Your Face Sounds Familiar Kids, ang Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime at ASAP.

“Pero ‘yung Tawag ng Tanghalan, baka after ng grand finals on Saturday, magpapahinga muna,” sabi pa ni Ogie.

Pero in fairness kay Ogie, kahit busy siya, may panahon pa rin siya sa misis na si Regine Velasquez-Alcasid at sa kanyang mga anak!

Time management lang naman talaga ‘yon!                                                           

Pinagbibintangang scammer ng mga artista, magsasalita na!

Kahapon ay nakausap ko ang Brunei businesswoman na si Kathelyn Dupaya via Viber call.

Kinukuha ko ang side ni Kathy sa iskandalong kinakasangkutan niya dahil na rin sa mga celebrity na nag-invest sa kanya na ang pinakamalaki nga ay si Joel Cruz.

Sabi ni Kathy, handa na siyang magsalita ngayong araw na ito.

Magbibigay na raw ng side si Kathy, kaya malalaman na rin kung ano ba ang mangyayari sa mga reklamo ng grupo ni Joel laban sa kanya!

vuukle comment

SAY ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with