^

Pang Movies

JM tuwang-tuwa sa mga manika ni Rita

Vir Gonzales - Pang-masa
JM tuwang-tuwa sa mga manika ni Rita
Rita & JM

MANILA, Philippines — Magkasundung-magkasundo ang aktres na si Ms. Rita Avila at JM de Guzman sa bagong serye titled Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

Noong mag-shoot sila sa Lobo, Batangas malapit sa may parola ay nakatsikahan namin sina Rita at JM, nabanggit ng aktor ang pagka-aliw at paghanga niya sa mga manyika ng kanyang Nanay Rita, sina Mimay, Popoy, at Pony.

Bihira raw sa showbiz ang manyikang nagkakapangalan, maliban kina Maria Leonora Teresa, ang famous doll noon nina Guy and Pip.

Nanay ang tawag ni JM kay Rita, at appreciated naman ito ng aktres. Mabait naman daw si JM at sana magtuluy-tuloy na ang pagmamahal nito sa kanyang career.

Sikat na resto sa Bulacan dinayo ng UH

Binigyang pansin ng Unang Hirit ang Buntal Hat na pinasikat ng Baliwag, Bulacan nang minsang dinayo nila ito at isinabay sa 175th anibersayo ng Bulacan National Hero na si Mariano Ponce.

Ayon sa panayam kay Love Añover, napahanga raw siya sa mga produktong gawang Baliwag, Bulacan. Nakapanayam niya rin si Mr. Valenzuela na anak ng may-ari ng pamosong restaurant sa Baliwag, ang Gloria Romero restaurant. Kapangalan lang po ito ni Ms. Gloria Romero na kilalang aktres at beauty queen.

Masasarap ang mga pagkain sa naturang restaurant. Mayroong okoy, kare-kare, adobo, lumpia at iba pang luto ng mga staff na sina Marissa, Ada, Tita Sossy, Flory, Bata, Botyok, Jimmy, Susan, Sandra, Thelma at Klaris.

Derrick natatakot sa lechon

Nasarapan si Derrick Monasterio sa lechon ng Carcar, Cebu noong mag-shoot sila roon ni Barbie Forteza para sa serye nilang Inday Will Always Love You kung saan nakita niya kung paano ito lutuin. Natakot lang na kumain nang kumain si Derrick, baka raw mawala ang kanyang abs na hinahangaan ng lahat.                                      

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with