Vilma at Luis
Ate Vi, speechless sa milyon na nakuha nila ni Luis
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 14, 2018 - 12:00am

Nakakatuwa si Vilma Santos-Recto sa post niya sa kanyang Instagram wall na: “I am speechless. Mahigit one day pa lang po naka-upload ang #ViLucky video namin for Puregold eh umabot na ng 1.5 MILLION VIEWS! Nakaka-touch po talaga lahat kayong nag-view, nag-like at lalo na ang mga nag-share! Parang lahat kayo ay nagregalo na rin sa akin for Mother’s Day. Again, thank you very much po sa mga #Vilmanians, fans ni Lucky Manzano, colleagues in the industry, family and friends. And most especially sa mga nagulat sa pagbabalik ng original Kembot Queen – Ms. Maribeth Bichara! Isang masayang reunion po ito para sa ating lahat! Paki-share po sa lahat ng mga mommies na gusto nating mapasaya! Isisigaw kong muli – I love you all #ViLucky”

Iilan pa lamang ang post ni Cong. Vilma Santos-Recto sa kanyang IG, pero umaani nga ng maraming likes ang kanyang mga posts, at isa nga rito ang video nila ni Lucky na ‘Sige Ikembot Mo, Mommy.’

Solenn manggugulat sa stag party

Simula na tonight ng finale week ng kinagigiliwang sexy-romantic-comedy na The One That Got Away (TOTGA).

Masaya na ang magbi-beshies na sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos with their loved ones na sina Dennis Trillo, Ivan Dorschner at Jason Abalos.

Wedding na ang susunod na happening, kaya nagkaroon ng stag party para sa mga guys. Maging masaya kaya ang stag party? Paano kung may biglang dumating na magdudulot ng saya ba o kaguluhan? Mayroon kasing obsessed kay Dennis as Liam, ang ex-girlfriend na si George (Solenn Heussaff) na pinabalik sa France dahil may mental disorder ito. Magaling na kaya siya kaya siya bumalik sa Pilipinas at nataon pang stag party ng mga boys? Magpatalo pa rin ba si Solenn kay Lovi, paano kung malaman niyang kasal na si Lovi kay Dennis, may habol pa ba siya? Mamaya na iyan, after ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad.

Manilyn nakaranas din ng depression

Uso pala ang depression, kahit noon pa, kuwento ni Manilyn Reynes after ng presscon ng bago niyang romantic-comedy series na Inday Will Always Love You ni Barbie Forteza.

After palang nagsilang siya noon sa first son niyang si Kyle, nakaranas siya ng anxiety attack or depression. Bata pa raw siya nang pasukin niya ang showbiz, sa pagkanta, then sa acting na. Nagkasunud-sunod noon ang ginagawa niya at nang magka-asawa at magka-anak siya, parang nabigla raw siya sa pag-withdraw niya sa showbiz at hindi na niya ginagawa iyong mga nakasanayan niya.

“Kaya after that, balik-showbiz na muli ako, at kahit nasundan pa si Kyle na ngayon ay 21 na, ni Kirk, 15, at ang bunso, si Kael, 6, hindi na ako huminto sa mga ginagawa ko,” kuwento ni Manilyn. “Eight years na ang aming Pepito Manaloto ni Michael V. every Saturday ay hindi pa rin ako nawawalan ng ibang serye na kasabay na ginagawa ko sa GMA 7. I’m now on my 35th year in showbiz, and very thankful sa mga blessings na patuloy na dumarating sa akin.”

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with