Sikreto ni Pauline nadiskubre ni Carmina

MANILA, Philippines — Intense at hindi na mapipigil pa ang pagtutok ng buong sambayanan sa pinag-uusapang primetime series nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza at Bianca Umali na Kambal Karibal.

Lalong nagningning ang apat na Kapuso stars dahil sa nakaraang episodes ng GMA drama series na talaga namang makapanindig-balahibo.

Nalaman na kasi ni Geraldine (Carmina Villaroel) na totoo ang sinasabi ni Crisan (Bianca Umali) na siyang nasa katawan ngayon ni Cheska (Kyline Alcantara) na si Crisel (Pauline Mendoza) ay nasa katawan niya. Kaya naman si Crisel, nagwawala dahil iniisip niyang hindi siya iniintindi ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Kaya naman sa episode kagabi, aabot na sa sukdulan ang galit ni Crisel dahil alam na ng kanyang ina ang tunay niyang katauhan. Nais na niyang tapusin ang kanyang buhay para hindi na makabalik si Crisan sa kanyang katawan. Mapigilan kaya siya ni Crisan? Tutukan lahat nang ito sa GMA Telebabad gabi-gabi pagkatapos ng The Cure.

Show comments