Male celebrity ipinatawag ng NBI dahil sa video greeting!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 10, 2018 - 12:00am

Napaso na ang isang kilalang male celebrity sa pagbibigay ng video message sa mga fan. Masaklap kasi ang naging experience niya sa isang out of town show nang mahilingan ng isang fan na mag-video greeting.

Laking gulat na lang ng celeb nang matapos ang ilang linggo eh, nakatanggap siya ng subpoena mula sa National Bureau of Investigation.

Laking gulat niya sa patawag pero pinuntahan din niya para malaman ang reklamo sa kanya.

Na-shock siya nang ipakita sa kanya video niyang nambabastos at nangmumura.

Edited ang video kaya ‘yung maayos na pagbati ay napalitan ng pagmumura sa isang taong hindi naman niya kilala, huh!

Tinanggap naman ng NBI authorities ang paliwanag ng celeb. Kaya kapag may nagpapa-video message sa kanya ay umiiwas na siya.

Ate Vi at Luis naka-two million na agad

Nagbubunyi si Luis Manzano dahil ‘yung video nila ng mother niyang si Congresswoman Vilma Santos-Recto para sa Mother’s Day na sponsored ng Puregold ay umabot na sa 2 million views, huh!

Para sa social media feeds ang video ng mag-ina kung saan pinasaya na ni Lucky si Ate Vi, eh pinasayaw pa niya ang mother, huh!

“Amazing! That’s all I can say. I woke up with a very good news that our Puregold Mother’s Day vide has reached 2M VIEWS. Isang patunay na we Pinoys love our moms, that we miss Ms. VILMA SANTOS too much, at bumilib po kayong lahat sa dancing skills ko!

“But seriously, maraming salamat po! Keep watching, liking and sharing. And lets continue making our mommies happy. Ako din sisigaw!  I LOVE YOU ALL! #ViLucky,” post ni Luis sa kanyang Facebook

Nagpapaaral din Young JV ka-level na nina Mark, Jolina, at Myrtle 

Swak na swak ang singer-actor na si Young JV sa adbokasiya ng MegaSoft dahil sa murang edad ay tumutulong na siya sa pagpapa-aral ng mga anak ng sundalo sa kanyang Lahing Bayani Foundation.

Anak si JV ng sundalong si Red Kapunan na ngayon ay ambassador ng bansa sa Myanmar. Gusto rin niyang tapusin ang kursong communication arts kahit na nga may natapos na siyang kurso sa pagnenegosyo.

Ayon kay Aileen Choi-Go ng Megasoft, welcome addition si Young JV sa Megasoft endorsers gaya ng mag-asawang Mark at Jolina Magdangal-Escueta, at anak na si Pele, Myrtle Saroza at Ryle Santiago.

“Mega soft and Young JV share the vision of inspiring the youth. He may not have finished school yet but he has put other young people to school with his Lahing Bayani Foundation. He has done something good for the youth and that to me is admirable” pahayag ni Aileen sa launching ni Young JV.

Sa nasabing launch naging open na rin si Young JV sa kanyang lovelife na si Miho Nishida.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with