Jake malayo kay Charice

MANILA, Philippines — Okay lang mag-perform sa maliliit na venue si Jake Zyrus. Iba na siya kaysa kay Charice.

Kung sa fans ni Jake Zyrus ay okay lang na kumanta ito sa mga maliliit na venue, bakit naman may mga nagri-reklamo at minemenos si Jake sa ginagawa niyang ito?

Tandaan natin na hindi na siya ang sikat at maga­ling na kumanta na si Charice Pempengco. Bagong tao na siya bilang Jake at nagsisimulang tahakin ang landas na tinahak nun ni Charice.

His voice may be not be as high as Charice pero, wala namang makapagsasabi na inferior ang boses niya. At dahil nagpapakilala siyang muli sa bago niyang pangalan at katauhan, okay lang na magsimulang muli sa ibaba.

Joven Olvido, mas sisikat pa sa grand winner ng PGT

Mukhang mauunahan pang sumikat ng komedyanteng si Joven Olvido na nag-1st runner up sa katatapos na Pilipinas Got Talent ang grand winner na si Kristel de Catalina na nagsayaw sa isang spiral pole.

Parehong talent  ni Vice Ganda ang dalawang top winners at wala mang napanalunang P2M ang komedyante kumpara sa dancer na pinagkalooban ni Vice ng golden buzzer, binigyan naman niya ang first runner-up ng isang tricycle at ginawa pa itong artista, isinama pa sa gagawin niyang pelikula para sa MMFF 2018.

Marami nang pasahero sa tricycle si Joven na ayaw nang bumaba kapag naisasakay niya. Gusto lamang nila ay magpakuha sa kanya ng litrato.

Acommodating ito at ‘di pikon sa maraming tumatawad sa kanyang kakayahan. Sa halip malaki ang pasasalamat niya sa mga magagandang pangyayari sa buhay nila ng asawa niyang si Sharlaine.

Naitawid ni Joven ng nakakatawa ang interview sa kanya ni Boy Abunda nung isang gabi sa Tonight With Boy Abunda.

Pagbabati nina Jackie at Benjie, inaabangan na rin!

Hindi lamang pala pakita lang ang naging pagbabati ng mag-iinang Jackie Forster at Andre at Kobe Paras. Matapos ang kanilang masayang reunion, sa isang concert naman nakita ang mag-inang Jackie at Kobe. Wala si Andre pero, sigurado namang may magandang paliwanag kung bakit hindi siya nakasama ng kapatid at ina.

Maaga pa siguro para asahan pero, pinananabikan din ang pagbabati nina Jackie at Benjie Paras.

Ang Paras brothers ang mabibiyayaan ng husto kapag nagkaroon ito ng kaganapan.

Jameson sinuwerte kay Janella!

Ang swerte ni Jameson Blake, leading man na siya at katambal niya sa kanyang pagbibida si Janella Salvador na ihihiwalay pansamantala kay Elmo Magalona. Siya ang tumanggap ng biyaya sa career move na ito para sa ElNella para makita kung matatanggap sila ng manonood sa ibang kapareha at hindi magkasama.

Kapag naging matagumpay ang unang pakikitambal niya kay Janella ay baka maitambal na rin siya sa iba.

Show comments