Sarah nararanasan ang pinagdaanan ni Ate Vi noon!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 3, 2018 - 12:00am

Bumuhos ang suporta kay Sarah Geronimo, matapos siyang bumigay habang nasa isang concert sa Las Vegas, kung saan inamin niya sa kanyang audience na pagod na siya. Dumating na ang panahon na burned out na si Sarah sa kanyang ginagawa. Labinlimang taon pa lang iyan, pero siguro ngang nasagad siya dahil sa kanyang trabaho.

Pero tama rin ang sinabi ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli, “pagod lang si Sarah, kailangan niyang magpahinga sandali, pero ok na siya”.

Marami na kaming nakitang ganyan in the past. Marami ring mga artista iyong halos gusto nang tumigil at iwanan ang kanilang career, kahit na nga sikat na sikat pa sila. Sa maniwala kayo’t sa hindi, nakita namin iyan kay Congresswoman Vilma Santos noong araw. Dumating din sa kanya ‘yung panahon na ang feeling niya walang nangyayari sa lahat ng kanyang pinaghihirapan.

Ang kaibahan nga lang siguro ni Ate Vi, hindi siya bumigay in public, at ang naging attitude niya ay lalabanan niya ang lahat ng problema. Nangyari rin sa kanya na lahat ng kanyang kinikita ay kailangang ibayad sa utang sa tax at sa iba pa. Nagtiis siya. Mas nagtrabaho pa para makabangon, at nakabangon naman siya. Isipin ninyo tumagal siya ng mahigit limang dekada sa showbusiness.

Mayroon namang natalo. Nadismaya sa buhay, nabarkada, nalulong sa masamang bisyo. Naghahanap ng atensiyon, eh wala. Kung ano man ang kinikita pa niya, ginamit niya para makakuha ng atensiyong gusto niya. Sa nakita namin iyon ang humilahod talaga.

May isa ring actor na ganyan ang karanasan. Napagod sa stardom. Ayaw na niya talaga at nagpabaya siya, pero ang maganda nga lang nagabayan siya ng mga tamang kaibigan. Mahal din niya ang kanyang propesyon. Nakabangon siyang bigla at naging isa sa pinaka-respetadong actor natin.

Talagang nangyayari sa lahat ng tao’yung nasasagad kung minsan. Ang suwerte lang ni Sarah dahil nariyan si Matteo na maaari niyang sandalan. Minsan kasi may mga bagay na hindi mo mabuksan maski na sa pamilya mo. Hindi nila maiintindihan. Mas maganda iyong may kasama kang uunawa ano man ang nangyayari sa iyo. Iyon ang role ni Matteo ngayon kay Sarah.

Lola ni Kiko Estrada, pumanaw na

Nalungkot naman kami nang marinig naming namayapa na pala si Nena Diaz. Asawa siya ng magaling na actor na si Paquito Diaz na yumao na rin, at nanay ni Joko, at ngayon lola ni Kiko Estrada.

Si Nena ay kapatid din ng actor na si Bob Soler.

Hindi namin nalaman na nagkasakit din pala siya, cancer ang tumama sa kanya. Ginawa naman nila ang lahat ng magagawa nila pero talagang traydor na sakit iyan eh. Nakakalungkot lang, naili­bing na rin siya nang marinig namin ang balita.

Dating dancer-male starlet na may kaso, pakalat-kalat na naman

Very visible na naman daw ngayon ang isang dating dancer-male starlet na nasangkot noon sa isang napakabigat na kaso.

Hindi namin malaman kung ano ang nangyari sa kasong iyon pero mukhang nalusutan nila nang ganoon na lamang. Nawala rin kasi ang complainant dahil sa hindi namin alam na dahilan. Pero nakakatakot makikita mo siyang nariyan na naman at pakalat-kalat. Baka kung ano naman ang kasunod na gawin niyan.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with