^

Pang Movies

Kris nakahanap ng pang-GV

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris nakahanap ng pang-GV
Kris Aquino

Aminado si Kris Aquino na nami-miss niya ang pag-arte kaya naman sa recent post niya ay abot-abot ang pasasalamat niya sa Star Cinema.

“W/ 100% honesty & the utmost humility- AAMININ KO, I MISSED THE MAGIC OF MOVIE MAKING. Finished our 1st sequence, napakahusay ni @garciajoshuae.  Thank you @starcinema, napakasarap bumalik sa 1st love ko,” post ni Kris.

As we all know, nagsimula nang gumiling ang camera para sa pelikulang I Love You Hater (na maiiba raw yata ang title) na pagsasamahan nina Kris at JohsLia (Joshua Garcia and Julia Barretto) loveteam.

Mukhang ito nga ang nakapagpawala sa init ng ulo ni Kris dahil puro positive na ang pino-post niya simula nang mag-shooting siya.

Siyempre, kasama na rin siguro sa nakapagpakalma at nakapagpasaya kay Kris ang pagbibigay ng bulaklak sa kanya ni HB na sino pa ba kungdi si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Jennylyn sobra ang pag-aalaga kay Tom

Maalaga ang isa sa deskripsyon ni Tom Rodriguez sa leading lady niya sa The Cure na si Jennylyn Mercado. Kapag medyo masama raw kasi ang pakiramdam niya kapag nasa set sila, binibigyan daw siya ng aktres ng mga gamot.

Sey naman ni Jen, maingat daw talaga siya sa mga sakit-sakit at lagi siyang may dalang mga gamot especially ang mga usong-uso ngayong mga essential oils na ipinapahid sa katawan kapag may sakit.

“Kasi pag nagkakasakit ako, alam ko ‘yung feeling kapag nagkakasakit ang isang tao. Kaya kapag mayroong may sakit sa set, talagang. . .si tita Irma (Adlawan), minamasahe ko pa ‘yan, kasi ang hirap talagang magtrabaho ng may sakit,” pahayag ni Jen.

At si Tom daw naman ay napakahusay din namang leading man at isa nga sa nagustuhan niya sa aktor ay ang pagiging patient nito at ‘yung willingness na mag-improve pa sa craft nito.

‘Yun nga lang, dahil seryoso ang tema ng The Cure ay wala raw silang masyadong kilig moments ni Tom.

Excited na ang Ultimate Star sa pagsasa-ere ng The Cure na magsisimula na ngayong Lunes, April 30 dahil gusto raw niyang makita na ang reaction ng manonood sa bagong konsepto na ito na ihahatid nila sa audience.

Julian at Ella walang asenso ang relasyon

Kumusta na nga ba ang loveteam nina Ella Cruz at Julian Trono matapos ang pelikula nilang Fangirl Fanboy last year?

Ayon kay Julian sa presscon ng bago niyang pelikulang SquadGoals kasama ang FBOIS, okay naman daw sila. Kasama rin naman daw sa movie si Ella although hindi ang loveteam talaga nila ang highlight dito kundi ang kwento ng limang young boys.

“Hindi lang naman kami (ni Ella) ang partner dito, everyone has his own loveteam and mae-enjoy n’yo ‘yung characters ng bawat isa dahil alam mo ‘yun, refreshing, para makita ang loveteam naman nun’g sa kanila, kasi kami naman ni Ella, nagkaroon na kami ng chance before sa Fangirl Fanboy,” sabi ni Julian.

When asked kung ano ang real score talaga sa kanila ngayon ni Ella, nauna pang kinilig ang apat niyang kasama sa movie na sina Jack Reid, Andrew Muhlach, Vitto Marquez and Dan Huschka.

“Right now, sobrang good friends pa rin naman kami,” sagot ni Julian, “and hindi naman nag-iba from the very beginning. Sabi ko nga, we’ve been friends for the longest time kasi maliliit pa lang kami from the children show na pinanggalingan namin, na-keep namin ‘yung friendship.

“So, right now, we’re more focused with work and nasabi na rin naman po namin, kung darating man ‘yun, darating din ‘yun, but right now, I mean, we’re still young and marami rin kaming projects na ginagawa individually. And kasama rin siya sa movie na ito. Medyo hectic ang schedule pero soon, we might work with our music ulit.”

Mula sa direksyon ni Mark Meily, showing na sa May 9 ang SquadGoals ng Viva Films na makabagong version ng pelikulang Bagets ng 80s.

Aside from Ella, kasama rin sa movie ang mga girls na kapareha ng FBOIS na sina Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong and Victoria Pilapil.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with