^

Pang Movies

Shaina at Matteo super click kahit ‘di na mga single!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Shaina at Matteo super click kahit �di na mga single!
Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao

Aminado rin sila na nang simulan nila sa cable television ang Single/Single Love is Not Enough, hindi nila inisip na iyon ay isalin sa isang pelikula talaga. Noong mag-partner ang Cinema One at Philippine Star, ang gusto lang nilang gawin ay isang serye tungkol sa buhay ng millennials. Gusto nilang ipakita kung ano ang kaibahan ng takbo ng buhay sa ngayon.

Hindi rin naman nila inaasahang makakabuo sila ng isang love team dahil alam naman ng lahat na may girlfriend si Matteo Guidicelli sa tunay na buhay, at ganoon din naman si Shaina Magdayao noong simulan nilang gawin ‘yun. Basta ang gusto lang nila gumawa ng isang magandang serye na mapapanood ng masa.

Kaso nag-click. Hindi lamang marami ang nanonood ng serye, napansin din nila napakaraming hits sa videos nang maging available sa internet. Nakita nila na marami pala ang int­eresado. Iyon ang nakita nilang dahilan para gawing pelikula ang Single/Single na nakahanda na ngayong ipalabas sa mga sinehan para mas marami pa ang makapanood.

Confident naman sila sa pelikula, dahil malakas ang following ni Matteo dahil sa kanyang lumalabas na serye ngayon sa telebisyon, at saka may hatak naman siyang talaga. Si Shaina naman talagang may sarili ring fans.

Pero ang talagang selling factor sa pelikula ay dahil kakaiba nga kasi ang takbo ng kanilang love story, at iyong mga ganoong kuwento ang sinasabi ngang maaaring mangyari sa inyo, o sa kapitbahay ninyo, dahil iyan ang kalakaran ng buhay.

Sabi nga nila, ang Single/Single Love is Not Enough, iyong klase ng love story na hindi mo masasa­bing fiction lang ang kuwento.

Palabas na ang pelikula sa May 2.

Vitto ayaw ma-identify kina Joey at Alma

Hindi nakitang advantage ni Vitto Marquez ang katotohanang anak siya nina Alma Moreno at Joey Marquez. Noon daw maisipan niyang pumasok sa showbusiness, nag-audition siyang mag-isa at hindi niya sinabi kung sino ang mga magulang niya. Noon na lang nakapasa na siya at saka nalaman ng mga tao na anak pala siya nina Joey at Alma.

Pero malayo na ang narating ni Vitto. Bukod sa nakikita siyang regular sa isang noontime show, ngayon biglang isa siya sa mga bida sa pelikulang Squadgoals, isang youth oriented film na ginawa ng mga makers ng pelikulang Bagets.

May mga nagsasabing mukhang aangat si Vitto, hindi lang dahil sa kanyang personalidad kung ‘di dahil talagang may talent ang bata.

Huwag singit nang singit sa selfie…

Hindi kasi kami mahilig sa picture eh. Hindi kami mahilig sa selfie, although maraming tao ang mahilig diyan. Pero ang dapat talaga, kung may nagse-selfie at hindi mo kilala ang mga kasama mo, o inaakala mong hindi ka naman nila kilala, huwag kang sumama dahil napagkakamalan ka ngang photobomber. Ang lakas ng tawanan namin noong isang araw nang may magpakilalang tao sa isa naming kasamahan at nagsabing hindi naman daw siya photobomber. Na-guilty siguro dahil sa totoo lang siya lang naman ang hindi kakilala noong nasa group picture na puro magkakaibigan.

Kaya the moral of the story is, huwag singit nang singit.

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with