Eric
Eric magiging tatay ni Janine!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 25, 2018 - 12:00am

Tuluy-tuloy na ang taping ni Alden Richards ng bago niyang drama-fantaserye na Mitho na isa lamang ang leading lady, si Janine Gutierrez, taliwas sa mga nasulat na tatlo raw ang leading ladies niya sa serye na idinidirek ni Dominic Zapata. Bago pa man siya umalis para sa Sikat Ka Kapuso shows sa New Jersey, USA at sa Toronto, Canada, nagsimula na siyang nag-taping at akala nga ng fans na nakapanood ay taping ito ng isang episode ng Magpakailanman.

Wala pang nababanggit kung sinu-sino ang bubuo sa malaking cast, pero isa na sa sure na papasok ay si John Estrada at balita ring si Eric Quizon ang gaganap na ama ni Jenine.

Yasmien pinasilip ang bagong biling bahay!

Isa na si Yasmien Kurdi sa pagiging handa anumang eksena ang ipinagagawa sa kanya, naroon ang dedication niya sa trabaho, sa kanilang afternoon prime drama series, ang advocaserye nilang Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa GMA 7. Minahal na ni Yasmien ang teleserye dahil sa tema nito, tungkol sa malaganap na sakit na HIV, kaya gagawin niya ang lahat, kahit buwis-buhay pa ang eksena, bukod pa sa mga pananakit na inabot niya sa mga naunang eksena. Bakit umabot doon ang buwis-buhay na eksena?

“Nawalan na po kasi ako ng pag-asa na mabawi ko pa ang mga anak ko sa ama nila dahil na-brain-washed na siya ng ina niya na tama raw lamang lumayo sila sa akin dahil may HIV nga ako at wala nang dahilan para hindi nila makuha sa akin ang mga anak ko. Left alone, ginusto ko nang magpakamatay.”

Sa Jones Bridge ginawa ang eksena last Saturday at hindi pumayag si Yasmien na may double siya, alam daw naman niya na hindi siya pababayaan ng production, kaya siya mismo ang gumanap sa eksena. Palakpakan nga raw ang mga taong nakapanood ng eksena na akala mo ay totoong nangyari. Hindi raw ninerbyos si Yasmien na sumunod sa utos ni Direk Neal del Rosario. 

Mapapanood ang said buwis-buhay scene this week, after ng The StepDaughters.

Tiyak mas inspired si Yasmien magtrabaho dahil ipinasilip na niya sa kanyang Instagram ang new acquired 3-bedroom house nila ng husband niyang pilot, si Rey Soldevilla at ng anak nilang si Ayesha, somewhere in Muntinlupa City. 

Iyon daw ang napili nila dahil maganda ang location at malapit sa airport at hindi mahirap kay Rey ang pagpasok sa trabaho nito.

 

ERIC QUIZON
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with