^

Pang Movies

Goma, hindi sinipot si Marya

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Goma, hindi sinipot si Marya

Hindi nakarating si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa premiere showing ng restored version ng classic na Ikaw Pa Lang Ang Minahal dahil sa inauguration and formal opening ng bagong Robinson’s mall. He was of course, the event’s special guest kasama si Ormoc Representative wife, Lucy Torres-Gomez.

Ayon sa source ng aming assistant na si Genevieve Pedroverde, tubong Ormoc, nag-perform din si Maja Salvador at ang kanyang grupo.

Kung nagkataon, mapapanood sana ni Goma ang ni-restore na pelikula na ‘di mo aakalaing 26 years ago na ito nang ginawa. Sayang nga at dahil sa kanyang ‘papel’ bilang Mayor ng Ormoc, di na siya active sa showbiz, tulad ng ilang taong nakakalipas.

Of Maricel, nakakatuwang muli siyang napapanood sa big screen na showing sa Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment, ang My 2 Mommies, which Maricel’s good friend, actor-producer and, of course, director, Eric Quizon directs.

Also in the cast of My 2 Mommies are Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff, Diana Medina and Jeom Bascon.

Featured ang baguhang child actor na si Marcus Cabais, who is eight years old.

Agaw-pansin sa presscon si Marcus ng My 2 Mommies na ginanap sa Events Place ng Regal Entertainment, na siyang producer ng pelikula.

Pag-aari of course, ang Regal ni Mother Lily, bagama’t ang over-all head na ng film firm ay anak niyang si Roselle Monteverde-Teo.

Cute si Marcus, who is a Grand Boy Winner of SM Little Stars, a nationwide search for cute, bright and promising kids.

Tubong Balanga, Bataan si Marcus, kaya, sa branch ng SM sa Pampanga siya nanalo.

Inglesero to the max, with proper accent, you would think na sa ibang bansa ipinaganak si Marcus at doon din siya tumira for a while.

But, according to Marcus, he was born in Bala­nga, grew up sa Pilipinas and studies at private school in Ortigas.

Kung saan niya nakuha ang accent niya, he explained na mahilig siyang manggaya, magsalita ng mga tauhang foreigner na napapanood niya sa tv.

But when Marcus grows up, it’s not to be a full-time actor he wants to be. Mas type daw niyang maging mahusay at sikat na basketball player.

Joem proud mama’s boy

Fresh na fresh pa si Joem from his appearance sa The Good Son, kung saan gumanap siya bilang police officer. Si Joem ay self-confessed Mama’s boy, kaya raw natutuwa siyang mapabilang sa cast ng My 2 Mommies.

Gusto niyang i-dedicate ang kanyang perfor­mance sa nasabing pelikula sa kanyang ina.

Naging habit na raw ni Joem since bata pa siya na palaging magbigay ng isang tangkay ng sunflower sa kanyang ina everyday, na pinipitas din lang naman niya sa hardin nito (ng kanyang ina) sa kanilang likod bahay.

Mag-uumpisa na si Joem sa kanyang bagong serye at makakasama niya raw dito si Angelica Panganiban. Wala pa raw siyang idea kung sino-sino ang kanyang makakasama.

Kung lovelife naman ni Joem ang pag-uusapan, going strong naman daw ang relationship niya with commercial and ramp model, Crisha Uy.

Matatandaang dati siyang na-link kay Meryl Soriano. Nananatili silang magkaibigan hanggang ngayon.

Si Meryl ay anak ni TV host Willie Revillame, dati siyang naikasal kay Bernard Palanca at meron silang isang anak.

By the way, Meryl’s Mom, BecBec, now married to a Japanese is the elder sister of Maricel (Soriano).

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with