Dingdong Avanzado
Music video ni Dingdong, kopya raw sa commercial ng sikat na fast food chain
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - April 23, 2018 - 12:00am

Umingay ang music video ni Dingdong Avanzado sa classic na kantang Walang Kapalit dahil kay Tommy Esguerra.

Ang sarap pa naman ulit-ulitin ng kanta mula sa original song at lyrics ni Rey Valera. Pero bitter ang mga fans na hindi maka-move on sa break up nina Tommy at Miho Nishida. Nagagalit din ang ilang fans dahil hindi bago ang ginamit na concept ng istorya ng music video ni Dingdong na ang leading man ay si Tommy. Dahil ginaya raw ito sa kuwento ng commercial ng Jollibee na hindi si Tommy ang groom kundi ibang lalaki ang nakatuluyan ng magandang bride na si Ritz Azul.

Naghihimutok tuloy ang fans na nanghinayang sa budget na ginastusan ang bonggang music video.

Pero in all fairness ang ganda ng set up ng kasalan at sa saliw ng madamda­ming version ni Dingdong ng Walang Kapalit.

Siyempre pinagtanggol si Tommy sa mga ampalayang fans na in fairness ay marami ang kinilig sa kagwapuhan nito sa music video. Mas marami pa rin ang positive sa paglabas ni Tommy sa music video ni Dingdong na binigyan niya ng justice.

DINGDONG AVANZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with