Luis & Jessy
Luis & Jessy
Luis birthday wish na pakasalan na ni Jessy?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 20, 2018 - 12:00am

Guess who is marking a birthday bukas, April 21?

Walang iba kung hindi si Luis Manzano na magiging 37 years old na.

No wonder na gusto na niyang pakasalan ang girlfriend na si Jessy Mendiola, na halos 12 taon na mas bata sa kanya.

This way, after all nga naman, mapagbibigyan na niya ang hiling ng kanyang Lipa Representative mother na si Vilma Santos-Recto na bigyan na niya ito ng apo.

Para naman sa ama niyang si Edu, 40 would be an ideal age para magpakasal si Luis.

Kasalukuyang busy sina Luis at Jessy sa kani-kanilang showbiz assignments. Lalong gumaganda ang role na ginagampanan ni Jessy sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Si Luis naman ay abala pa rin sa paghu-host ng much admired and well-followed reality show na I Can See Your Voice.

Another birthday celebrator nga pala today is our good friend and your fellow entertainment editor, Salve A., na si Ricky Lo.

Happy birthday, Ricky.

(Maligayang kaarawan Luis and Tito Ricky. Blow out naman diyan. Hihihi. – SVA)

Regine puwede na uling mag-asawa

Sexy pa rin si Regine Tolentino sa edad niyang 30 years old. Walang bakas na nagkaproblema ang kanyang marriage sa kanyang former husband na si Lander Vera Perez, yes, of the famous Vera-Perezez of showbiz.

Paminsan-minsan ay napapanood pa rin si Lander sa TV na ang latest ay sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nagtagal din ng 18 years ang kanilang kasal ni Lander, and now finally annulled na ang kanilang pagiging mag-asawa.

Nagkaroon sila ng dalawang anak na pareho nang teenager.

Hindi na ganun ka-active sa showbiz si Regine pero nananatili pa rin ang kanyang pagiging entertainer dahil sa kanyang hilig sa pagsasayaw. Dagdag pa rito ang kanyang pagiging fitness enthusiast.

Katunayan ay may sarili na siyang studio. Paborito niya ang pagtuturo ng Zumba na perfect sa mga dancer at fitness lovers.

And, thus, she is inviting all Zumba enthusiasts to join her and her group to Dance by the Beach Fitness Party La Union 2018, which promises na isang malaking event ngayong summer.

Magaganap ito sa April 28, 2018 sa Aureo La Union, San Fernando, La Union kung saan over 1,000 participants ang inaasahang sasali, hosted by SR Foods and Happy Events.

Bagong pelikula ng KathNiel, sisimulan na agad-agad

Kasado na ang movie na pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na huli nating napanood sa Can’t Help Falling In Love na idinirek ni Mae Cruz-Alviar and ipinalabas last year (2017).

Ang bago naman nilang pelikula, titled The How’s of Us, na ididirek naman ni Cathy Garcia-Molina ay ipapalabas malamang na sa third quarter daw of this year.

Ayon kay Direk Cathy, ang pelikula na ito ay isa lamang sa tatlong films na naipangako niyang gagawin sa Star Cinema bago ang kanyang retirement from showbiz sa August 2019.

As is common knowledge, plano na ni Direk Cathy to stay put in New Zealand, where her two kids with his former late husband, now reside with her parents.

Nasa bucket list din ni Direk Cathy ang muling mag-asawa bago magtapos ang 2019.

Direk Cathy, first directed the tandem of Kathryn and Daniel sa pelikulang She’s Dating A Gangster. She was as one of the directors ng La Luna Sangre.

She has to beg off, though, as she was given another assignment.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with