Kim Chui at Xian Lim
Xian pinagdududahan sa pelikula ni Kim
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

Guess, Salve A., kung sino pang three other celebrities ang magse-celebrate ng kaarawan nila on April 19. well, like Kim Chui, na magiging 28 na exactly on that day, walang iba kung hindi si former President Joseph “Erap” Estrada naman na naging Mayor ng Manila (turning 81) at 50 years old naman si Albert Martinez.

At si Bimby Yap, only son of estranged couple Kris Aquino and top cager na si James Yap, na magiging 11 naman on that day.

Masaya si Kim sa kanyang kaarawan dahil ope­ning day ito ng kanyang first movie with Ryan Bang, sa April 18, ang DOTGA: Da One That Ghost Away. Parang gift niya raw ito sa kanyang following.

“It’s a happy movie, na may pagka-horror,” ani Kim of this Star Cinema movie, which Tony Y. Reyes, favorite tv and movie director ni Vic Sotto, directed. “I truly enjoyed doing it.

“I had good rapport with my co-stars. I just hope, thay had fun working with me, too.”

Kim’s co-stars in DOTGA, aside from Ryan, include Pepe Hererra, Lassy Marquez, Moi Bien, Matet de Leon, Chocoleit, Cai Cortez and Enzo Pineda. Plus of course, the special participation ng mga veteran performers na sina Odette Khan at Marissa Delgado. Featured din ang MayWard tandem na binuo nina Maymay Entrata at Edward Barber.

May special role rin si Melai Cantiveros na kapareho nina ni Kim, Edward at Maymay na naging former housemate sa bahay ni Kuya sa magkakaibang season ng Pinoy Big Brother (PBB).

Kim, Melai and Maymay all emerged champs in the respective season na kasali sila sa PBB really show.

Premiere tonight sa Megamall ang DOTGA, at bagama’t obvious na may maganda na ngang pagtitinginang namamagitan kina Kim Chiu at Xian Lim, duda kahit ang malalapit sa kanila na dadalo ang huli sa event.

Si Xian kasi ay hindi na Kapamilya, since pumirma na siya ng contract as a talent ng Viva Artist Center.

Ang huli niyang proyekto na ginawa under ABS-CBN contract ay ang Sin Island, kung saan nakasama niya sina Coleen Garcia at Nathalie Hart.

Wala pa raw ideya si Kim kung ano ang susunod niyang project pagkatapos ng DOTGA, pero open daw siya na gumawa ng bagong serye after ng katatapos na Ikaw Lang Ang Iibigin, which reunited her with her former reel-and-real love, Gerald Anderson.

Nadala na, Danita ayaw na ng boyfriend na artista

Twice palang nagkaroon ng boyfriend na parehong nasa showbiz si Danita Paner, one of two daughters (the other one is Tina Paner) ng dating Sampaguita actress na si Daisy Romualdez.

At twice rin daw siyang nasaktan nang mag-fail pareho ang relasyon niya sa dalawa.

Ang kanyang tinutukoy ay si Kean Cipriano na ngayon ay kasal na sa Kapuso talent na si Chynna Ortaleza, at si JC de Vera, na nagsabi namang loveless siya at the moment.

Danita’s current boyfriend, she reveals, is not in showbiz, but a businessman.

Kasalukuyan siyang gumagawa ngayon ng pelikula titled 72 Hours, co-starring her with the Revilla brothers, Cavite Vice Go­vernor Jolo (Revilla), Bryan and Luigi.

She is currently in business, too. Kasama sina Yassi Pressman at Bela Padilla, meron silang restaurant cum bar at the The Fort, ang Tipsy Pig.

Of Kean, napapanood siya every Saturdays and Sundays bilang isa sa mga miyembro ng Singvestigators ng game show na I Can See Your Voice, hosted by Luis Manzano.

Kasama niya sina Alex Gonzaga, na naging girlfriend niya rin, Angeline Quinto, Bayani Agbayani, Wacky Kiray at Andrew E.

Si JC naman ay regular sa Banana Sundae tuwing linggo sa ABS-CBN  at makakasama naman sila Piolo Pascual, Arci Muñoz, Empoy Marquez, Alessandra de Rossi and Charo Santos-Concio sa kabubukas na series ng Dreamscape Entertainment Television for ABS-CBN, ang Since I Found You, directed by Antoinette Jadaone.

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with