Bianca Manalo
May anxiety attack Bianca may konek sa dagat ang mga naiisip
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

Sa latest interview ng ABS-CBN kay Bianca Manalo, sinabi ng aktres at dating beauty queen na nakikipagkita siya sa kanyang pyschologist para gamutin ang trauma niya mula sa naranasang trahedya sa dagat last March 29.

“I’m seeking help from my psychologist, the last time I had was I had a 2-hour session with her,” pahayag ni Bianca sa naturang panayam.

May mga moments daw na nagkakaroon pa rin siya ng anxiety attack at araw-araw daw siyang nagkakaron ng nightmares.

“Nung isang araw, ‘yung dream ko, nasa dagat ako, hinihila ako ng whale. Kaninang umaga, ‘yung dream ko, nalulunod ako sa dagat. So, lahat, may dagat-related pa rin,” kwento niya.

Sinabi rin naman sa kanya ng psychologist niya na hindi talaga madali pero alam niyang isang araw ay makaka-recover din siya.

“I know, one day at a time, this too, shall pass,” she said.

Sa ngayon ay back to work na si Bianca at nagte-taping na ng FPJ’s Ang Probinsyano and hopefully, tuluyan na siyang maka-get over sa nangyaring aksidente na muntik na niyang ikasawi.

Edward ayaw madaliin si Maymay

Marami ang nakapansin sa presscon ng DOTGA: Da One That Ghost Away ng kakaibang sweetness ng MayWard loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Habang ongoing kasi ang Q&A ay panay ang kwentuhan nila at may pahawak-hawak pa si Maymay sa braso ni Edward.

Kaya naman after ng Q&A ay kinulit ng press ang dalawa kung may something na bang namamagitan sa kanila.

Pero sey ni Maymay, best of friends lang daw talaga sila ni Edward.

“Basta mag-bestfriend kami. Saka nagpapakatotoo lang kami kung anong nakikita nila, ‘yun na po ‘yun, at masaya po kami ni Edward dahil hanggang ngayon nakasuporta pa rin ang MayWard (fans) sa amin,” sabi ni Maymay.

Natanong ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 Big Winner kung may pag-asa ba si Edward kung sakaling ligawan siya nito.

“Kahit sino naman po, may pag-asa,” sagot ni Maymay na parang ikinagulat ni Edward.

“Lahat?” tanong ni Edward sa ka-loveteam.

Sagot naman ni Maymay na may kasamang hampas kay Edward, “Oy, hindi ganu’n,” sabay-tawa. “Kahit sino po may pag-asa naman talaga. Sa ngayon wala pa akong…siguro isa siya sa…ay naku, ayoko nang magsalita!” natatawa pa rin niyang sabi.

Natanong naman si Edward kung may possibility ba talaga na magkagustuhan sila sa totoong buhay at ayon sa binata, ayaw daw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

“Sa totoo po ayokong isipin yun. Kasi for me, you should be content with whatever you have. And I’m content with what I have. I don’t want to rush things, I don’t want to think about it. I’ve always tried to live in the moment at kung ano ang totoo,” sey ni Edward.

When asked kung nag-aaway din ba sila, sagot nila ay oo naman daw pero mga pambatang away lang naman at mabilis naman silang magkaayos din.

Pangalawang pelikula ng MayWard loveteam ang DOTGA na showing na April 18 kasama sina Kim Chiu and Ryan Bang mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

BIANCA MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with