Juancho pinakain ng bashing sa kanyang birthday!

Maine at Juancho

Birthday pala kahapon ni Juancho Trivino, ang aktor na inaaway ng mga tao na hindi type na nali-link siya kay Maine Mendoza.

Twenty-five years old na si Juancho pero imbes na i-greet ng happy birthday, nakatikim na naman siya ng mga batikos mula sa bashers niya.

Dinededma na ni Juancho ang mga bashing na natatanggap dahil kapag sumagot pa siya, lalong hindi matatapos ang isyu.

Mahirap talaga kapag na-link kay Maine ang mga aktor, maliban kay Alden Richards, dahil inaakusahan sila na mga user.

Ang pinagdaraanan ngayon ni Juancho, naranasan na rin ni Sef Cadayona nang matsismis na boyfriend ito ni Maine. Dinedma ni Sef ang mga paninira laban sa kanya at nagtagumpay siya dahil napagod din ang bashers niya.

Regine, Julie Anne at Christian, inaabangan na ng mga taga-Pangasinan!

Ngayong gabi na ang 3 Stars, 1 Heart, ang concert nina Regine Velasquez, Julie Anne San Jose at Christian Bautista sa CSI Stadia, Dagupan City.

Excited ang mga kababayan natin sa Pangasinan na mapanood ang concert ng tatlo dahil nabalitaan nila na maganda at super successful ang unang 3 Stars, 1 Heart concert na ginanap sa Cebu City noong January 2018.

Ang GMA Entertainment Content Group ang producer ng concert nina Regine, Julie Anne at Christian kaya suportado ito ng GMA 7.

Patricia at Rob, for good na sa Pinas

For good na pala ang paninirahan sa Pilipinas ni Patricia Javier at ng kanyang American husband na si Rob Walcher.

Ibinenta na ng mag-asawa ang bahay nila sa San Diego, California dahil sa kanilang desisyon na mamalagi sa bansa natin.

Gustong-gusto na ni Rob ang manirahan sa Pilipinas, hindi gaya noong unang dumating siya sa bansa na hindi niya alam ang mangyayari.

Love na love na ni Rob ang Pilipinas at ang mga Pilipino. Naka-adjust na siya sa kultura at kapaligiran natin.

Pupunta pa rin naman siya sa Amerika para dumalaw sa kanyang pamilya at magbakasyon pero ang bansa natin ang itinuturing niya na second home.

Siyempre, pinakamasaya si Patricia sa pasya ni Rob dahil mas gusto niya talaga na manirahan sa sariling bayan, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

Show comments