Ed Sheeran at Jinkee Pacquiao
Ganon kasosyal Jinkee nakatsikahan si ed Sheeran, binigyan pa ng gloves
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 10, 2018 - 12:00am

Nanood noong Linggo ng concert ng British singer na si Ed Sheeran si Jinkee Pacquiao at ang mga anak nila ni Senator Manny Pacquiao.

Dahil Jinkee Pacquiao is Jinkee Pacquiao, nabig­yan siya ng chan­ce na ma-meet nang personal si Ed sa backstage.

May-I-give ni Jinkee kay Ed ang pair of boxing gloves na may pirma ni Papa Manny. Siyempre, tuwang-tuwa si Ed dahil knows nito na international boxing superstar ang asa­wa ni Papa Manny at malaking karangalan na magkaroon siya ng souvenir mula sa Pambansang Kamao.

Collector’s item ang mga boxing glove na may pirma ni Papa Manny. Marami sa mga internatio­nal celebrity ang ob­sessed na magkaroon ng souvenir mula kay Papa Manny kaya feeling lucky si Ed.

Ed Sheeran may partisipasyon sa love story nina Cristalle at Justin

Nanood din ng concert ni Ed Sheeran si Cristalle Belo at ang asawa nito na si Justin Pitt.

Si Dra. Vicki Belo ang nag-treat sa mag-asawa as in siya ang bumili ng tickets para sa concert ni Ed sa SM Mall of Asia concert grounds noong Linggo.

Tuwang-tuwa si Cristalle dahil part si Ed ng love story nila ng asawa niya.

Noong hindi pa sila kasal at long distance pa lang ang love affair nila, ang mga kanta ni Ed ang ipinadadala kay Cristalle ni Justin kapag feeling sentimental ito kaya extra special na magkasama sila na nanood ng concert ng British singer.

Kyline at Jeric naispatan sa concert

Sighted sa concert ni Ed Sheeran sina Jeric Gonzales at Kyline Alcantara, ang stars ng Kambal Karibal ng GMA 7.

May mga namalisya na playing beautiful music together ang dalawa dahil sila ang magkasama sa concert ni Ed.

Puwede naman na friends lang sina Jeric at Kyline dahil naging close sila sa set ng Kambal Karibal.

Nakakalimutan yata ng fans na fifteen years-old pa lang si Kyline as in neneng-nene pa ito. Napagkakamalan na dalaga si Kyline pero bagets na bagets pa siya.

Hindi pa yata pinapayagan si Kyline ng mga magulang niya na magkaroon ng boyfriend kaya hindi dapat na i-link siya kay Jeric. Tama na  ‘yung friends muna sila dahil love can wait.

Andre hindi natakot gayahin si Madonna

Hindi isyu kay Andre Paras ang pagbibihis babae at gayahin si Madonna sa episode ng Lip Sync Battle Ph noong Linggo dahil siguradong-sigurado siya sa kanyang sexuality.

Hindi afraid si Andre na gumanap na bading dahil tunay na lalake siya.

Hindi katulad si Andre ng ibang mga aktor na takot na gumanap na baklita sa mga pelikula at tele­serye dahil mga closet gay sila.

Hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan. Maging mapagmasid na lang kayo kung sino sa mga aktor na matagal nang questio­nable ang sexual preference ang takot na mag-portray na gay sa movies at te­levision shows dahil  takot na mabuking ang secret nila.

Sarah at Regine may banggaan

Magkasabay ang concert nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez sa April 14 pero magkaiba ang venue.

Ang Smart Araneta Coliseum ang venue ng This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah at ang CSI Stadia sa Dagupan City ang loca­tion ng 3 Stars 1 Heart, ang show ni Regine, ka­sama sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose.

Parang pre-birthday concert na rin ni Regine ang 3 Stars 1 Heart dahil turning 48 na siya sa April 22. Two years na lang, golden girl na si Regine.

ED SHEERAN JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with