^

Pang Movies

Edgar aminadong sinuwerte nang maging bakla!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Edgar aminadong sinuwerte nang maging bakla!

Edgar

Sobrang thankful ni Edgar Allan Guzman sa mga blessing na dumadating sa kanya matapos puri-purihin ng mga kritiko’t manonood sa gay role niya sa Deadma Walking at manalong Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2017 last December para sa nasabing pelikula.

Pagkatapos kasi nito ay dumagsa na ang lead role offers para kay EA (palayaw ni Edgar Allan). Ginagawa niya ngayon ang pelikulang Mata Tapang para sa CineFilipino Film Festival kung saan ay bida siya.

May offer din daw ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo para sa isang pelikula kung saan ay siya ang lead actor. Aminado siyang napakalaki ang naitulong sa ka­rera niya ng Deadma Walking at pagkakapanalo.

“Ang sarap lang sa feeling kasi ang laking tulong ng nagawa ng MMFF at Deadma Walking sa buhay ko.

“Dati nga, habang pinaplano pa lang namin ang Deadma Walking, talagang ayaw bitawan ni sir Noel (Ferrer, his manager) ‘yun. Gusto niya, makuha ko. Kasi nga, alam niya, makakatulong sa akin.

“And dito lang napansin ‘yung pag-portray ko ng isang gay role nang sobra-sobra. So, para sa akin, big help ‘yung award and big help ‘yung Deadma Wal­king,” sey ni EA (tawag kay Edgar Allan) nang makausap namin siya last Monday.

At ngayon, sobrang thankful ng aktor na nomina­ted siya bilang Best Actor sa 2nd Eddy’s Awards ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa Deadma Walking.

Hindi naman daw siya nag-e-expect manalo, pero kung ibibigay, siyempre, magiging sobrang happy and honored siya.

Juancho biglang kambyo sa pambabastos kay Alden

Humingi na ng paumanhin ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa pagdi-dirty finger sa isang video na tila para kay Alden Richards.

Needless to say, ikinagalit ito ng bonggang-bongga ng fans ni Alden pati na ng AlDub fans at talagang kinuyog nila ng batikos si Juancho.

In fairness, mukha naman talagang nagbibiro at naging playful lang si Juancho sa video pero tulad nga ng sabi niya, “bad joke” talaga lalo pa nga’t si Alden ang involved. Para kang humihingi ng death sentence kapag ang nasabing sikat na aktor ang kinalaban mo sa rami ng fans na kukuyog sa ‘yo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with