^

Pang Movies

Mapapangasawa ni Prince Harry na si Meghan Markle nagkalat ang malalaswang picture sa Internet!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Two months bago ang royal wedding nina Prince Harry at Ame­rican actress Meghan Markle, may nagpakalat ng topless photos ni Me­ghan sa Internet.

May ginawa nang imbestigasyon kung totoo ba na si Meghan ang nasa photos na iyon o baka naman photoshopped lang ito para siraan ang future princess ng Bucking­ham Palace.

Ang site na nag-post ng leaked photos ni Meghan ay maglalabas pa raw ng iba pang photos ng princess-to-be na labas ang mga maseselang parte ng katawan nito.

Hindi naman si Meghan ang unang naging biktima ng ganitong iskandalo.

Noong 2012, nakunan na hubo’t hubad si Prince Harry noong magkaroon ito ng trip sa Las Vegas. Nalasing ito ng husto at nagtanggal ng kanyang mga damit kasama ang ilang mga babae sa loob ng isang penthouse suite.

Si Duchess Kate naman ay nakunan ng paparazzi na topless habang nagsa-sunbathe sa isang private estate sa France. Nademanda ang magazine na naglabas ng photos at nakasuhan ng ‘invasion of privacy’.

Isang linggo bago nag-leak ang topless photo ni Meghan, nabasbasan na siya ni Queen Elizabeth II para sa May 19th wedding nila.

Sharon may assistant na nagbubura ng mga comment ng bashers

Sumali na rin si Megastar Sharon Cuneta sa pag-post ng bikini pictures sa social media.

Bihira ngang makita noon si Shawie na nagsusuot ng two-piece bikini kahit sa kanyang mga pelikula noong kabataan niya.

Pero nitong nakaraan week lamang, hindi nagpatalbog ang 52-year old Mega­star na masilayan ang kanyang alindog sa Instagram account niya.

Pinost ni Shawie ang kanyang photo na naka-bikini sa isla ng Amanpulo noong taong 2000.

Nakakuha ng 27,000 likes ang post at nagdagsaan ang mga comment. May mga natuwa, pero hindi nawawala ang mga basher ni Megastar.

Pero hindi apektado si Mega sa mga negative comment ng bashers at haters dahil bago niya basahin ang mga comments, may assistant si Mega na nagdi-delete ng mga hindi magagandang comments.

Dating ka-loveteam ni Carol Banawa, lisensyadong doktor na

Naalala n’yo pa ba ang singer-actor na si Josh Santana? Si Josh ang umawit ng theme song ng English version ng Meteor Garden na theme song na Qing Fei Di Yi. Na­ging big hit ang single na Can’t Help Fallin’ kaya naging isa ito sa in-demand singers ng ABS-CBN noon.

Naging ka-loveteam pa siya noon ni Carol Banawa sa teleserye na Bituin noong 2003. Parati silang nagdu-duet noon sa ASAP hanggang sa namaalam sa showbiz si Josh noong 2006.

Ngayon ay isa nang licensed doctor si Josh at pumasa ito kamakailan sa Physician Licensure Examination gamit ang tunay niyang pangalan na Michael Alexander Pamular. Nagtapos ng kanyang pagdu-doktor si Josh sa Far Eastern University. Sa kanyang Instagram post, nagpapasalamat siya sa tamang desisyon niya na i-pursue ang kanyang pangarap na maging isang doktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with