^

Pang Movies

Amo ni Derek binili ng Netflix!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Amo ni Derek binili ng Netflix!

Derek Ramsay

Binili na ng Netflix ang series tungkol sa droga na dinirek niBrilliante Mendoza, ang Amo. Bida rito si Derek Ramsay at sa Instagram post ng aktor, mapapanood na ito sa internet entertainment company simula sa April 9.

Focus na kasi sa sports ang ESPN5 kaya swak na swak sa Netflix ang prinodyus na series. Eh, Cannes best director din si Mendoza kaya madaling nabenta ang produkto niya sa Netflix.

At least, hindi na limitado sa international filmfests ang obra ni Brilliante, huh! Buong mundo ay makakapanood na sa produkto niya.

Goodbye world Catriona, hello universe naman!

Goodbye, World and hello, Universe, ang dating ngayon ni Catriona Gray matapos tanghaling Bb. Pilipinas – Universe 2018. Malaking achievement para kay Catriona na mapanalunan ang titulo kahit talunan siya sa Miss World na sinalihan noon.

Ayon sa nakapanood ng pageant sa Araneta Coliseum, mas magaganda raw ang batch ngayon ng Bb. Pilipinas kumpara last year. Matatalino rin daw except for a few.

Unforgettable ang sagot ng isang contestant na nabanggit ang salitang privatization instead of privacy. ‘Yung isang contestant, nataranta sa tanong dahil current event ito. Hinangaan naman ang isa sa pagiging candid sa sagot niya na wala siyang alam tungkol sa tanong.

Hinahangaan din si Catriona nang hingan siya ng mensahe para sa kababaihan ng Marawi.

Wait na lang tayo kung bibida ang ganda at talino ni Catriona sa pagsabak niya sa Miss Universe, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with