Maria napa-oo ni Eric sa pelikula

Paolo, Maricel, at Diane

Kinumpirma ni Roselle Monteverde na kasama si Maricel Soriano sa Regal mo­vie na My Two Mommies. Lalabas siyang tiyahin ni Paolo Ballesteros habang si Solenn Heussaff naman ang isa pa sa lead stars.

Present ang mag-inang Lily at Roselle sa first shooting day ni Maria. May group picture sila together ng Diamond Star na lumabas sa Twitter account ng Regal Films.

Of course, isa sa original Regal babies si Maricel at paboritong artista ni Mother.  Magsisilbing homecoming din ang movie ng aktres na matagal na ring hindi nakagawa ng movie sa Regal.

Malaking factor din ng pagbabalik-big screen ni Maricel si Eric Quizon ang direktor ng movie.

Marian lalandiin si Dingdong sa holy week!

Isinabay ang paglunsad kay Marian Rivera bilang first ever member ng Prime Mom Club sa renewal ng kontrata niya sa Mega Prime nu’ng isang araw sa Prime Hotel.

Sa muling pagpirma ni Yan ng kontrata for third year, inilabas din ng Mega Prime ang easy to open canned vegetables gaya ng whole mushrooms, pieces and stems mushrooms, whole kernel corn, cream style corn, at green peas.

“Sobrang excited ako na kasama sa Prime Mom Club. For me, it’s important for us first time moms to connect, share our experiences and learn from each other. Gusto kong i-share ‘yung mga alam ko lalo na sa kusina at masaya kasing ma-try ang recipes na nag-work for other mommies. I real­ly hope na madaming mommies ang sumali sa Prime Mom Club,” pahayag ni Marian.

Blessed ang feeling ni Yan sa patuloy na dumarating sa kanyang endorsements. Bukod sa pagiging mabenta sa endorsemenst, malapit na rin siyang gumawa ng pelikula sa Regal. Nakaplano na rin ang soap niya sa GMA.

“Una munang magkakaroon ng series si Dong (Dingdong Dantes) and then next na ‘yung sa akin. Magbabakasyon muna kami sa Holy Week sa malayong lugar,” saad ni Yan.

Anong gagawin nila ni Dong sa bakasyon nila?

“Maglalandi ako! Chos! Ha! Ha! Ha! Siyempre, alam niyo na ‘yon. Alam niyo namang desidido na kaming sundan ni Zia. Naku, heto na naman ako. Magagalit na naman sa akin ang GMA!” rason ni Marian.       

Ang pagkakaroon pa ng maraming anak ang isa sa dahilan kung bakit gusto niyang maging healthy and fit sa pamamagitan ng cross-fit training.

Show comments