Boyet muntik na raw mamatay sa palpak na baril sa taping!

Christopher de Leon

Naku buti na lang at naagapan ng mga doktor ang tama ng baril ni Christopher de Leon sa taping ng Kambal, Karibal. Kung hindi, malamang daw na ikamatay pa ng aktor ‘yun.

Inoperahan si Christopher kahapon sa Asian Hospital matapos siyang dalhin sa Emergency Room dahil sa pananakit ng legs na tinamataan ni Marvin Agustin sa last taping day nila kung saan papatayin sa eksena si Boyet, last week pa.

At sabi raw ng doktor ayon sa kausap ko kahapon, kung tumaas pa ‘yung tama sa groin, delikado na at puwedeng mamatay ang aktor.

Iniimbestigahan na raw ng GMA ang sup­plier ng baril kung bakit nagkaga­nun sa­man­ta­lang blank bullet lang dapat ‘yun.

Nung una raw kasi ay inakala ng lahat sa taping na mababaw lang at kung natamaan man si Boyet konting wax or powder lang kaya hindi agad ito nagpa-check-up. Saka wala raw itong oras. Nilinis lang daw at nagpa-anti-tetanus shot ang aktor nang bumiyahe sila sa Marawi.

Tiyak na hindi naman magpapabaya ang Kapuso Network sa gastusin ng pagpapagamot ni Boyet. Tiyak kasing mahal ang gastos dun.

Ang tiyak na apektado lang ay ang taping niya sa Sana Dalawa Ang Puso.

Show comments