^

Pang Movies

Alden sumakay sa likod ni Maine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden sumakay sa likod ni Maine

Alden Richards at Maine Mendoza

Nagdiwang ang AlDub Nation nang muling magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa ACTually segment ng Eat Bulaga last Saturday. Magkasama sa Team Yellow sina Alden at Maine kung saan gagamitin nila ang object na ipakikita ni  Vic Sotto at gagawan ng story. 

Sa object na buko (coconut) pinalabas ng team, na bato ni Darna iyon kaya humirit si Joey de Leon na dapat daw karga ni Darna si Ding kaya naman kunwari ay sumakay si Alden sa likod ni Maine at nagtilian ang audience sa Broadway studio.

Ang mga ganoong pagsasama nina Alden at Maine ang ikinaliligaya ng fans, na sabik na makita ang interaction ng dalawa araw-araw tulad noong may Kalyeserye pa sila. Ang ikinalulungkot nila at patuloy na tinatanong ay kung kailan ba talaga muling magkakasama ang dalawa. Nasaan na raw ba ang pangako na susundan ang una nilang movie na Imagine You & Me na almost two years nang naipalabas. 

One year na rin ang first teleserye nila sa GMA 7, pero hindi na rin iyon nasundan. Ipinagpasalamat nila nang igawa sila ng isang EB special na Love Is… pero hindi na iyon muling nasundan. Nabuhay ang pag-asa nila na pagsasamahin sila sa isang episode ng EB Lenten presentation sa Holy Week pero tig-isa sila ng episode na gagawin. Hindi sila nagsasawang magtanong kung ano na talaga ang plano nila sa love team nina Alden at Maine. Iyon kasing mga tunay na ADN, hindi nawawalan ng pag-asa na masasagot ang kanilang mga tanong dahil patuloy silang hindi bumibitiw sa kanilang mga idolo.

Yasmien kakaririn ang pagpapapayat

Inaanyayahan ni Yasmien Kurdi na samahan sila sa pagbubukas ng story ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang first advocaserye ng GMA Network na tatalakay tungkol sa HIV virus, ang number one na kaso ng sakit sa Pilipinas. 

Nang tanggapin ni Yasmien ang role niya bilang si Thea Balagtas, pinag-aralan na niya ang tungkol sa HIV na isa sa mga napag-aralan na rin niya noong kumukuha siya ng Nursing course, nang pansamantala siyang huminto sa showbiz. Alam niya na hindi nakamamatay ang sakit na ito basta matututo ang mayroon nito na sumunod sa doctor at uminom ng tamang gamot.  Nag-attend siya ng seminar at conventions tungkol dito dahil niyakap na niyang advocacy ito since may asawa at anak na siya.

Naghanda rin si Yasmien na magpapayat, magsisimula siya nang healthy pa siya at dahan-dahan siyang nagpapayat hanggang sa tuluyan na siyang papayat dahil mayroon na siyang HIV sa serye.

Ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay sinimulan ng yumaong si Director Maryo J. delos Reyes at idinidirek na ngayon ni Neal del Rosario. Mapapanood na ito mamayang hapon after ng The Stepdaughters.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with