K may hugot song na rin

K Brosas

Nakikihugot na rin si K Brosas sa bago niyang single na Natatawa Ako na dedicated sa mga manloloko at nagpapaiyak sa kanilang mga karelasyon.

Reklamo lang ng fans, dapat ay binigyan siya ng mas bagong areglo ng Natatawa Ako na isang revival song na ang original na kumanta ay si Gabriela.

Ganun pa man, bumagay pa rin naman sa timbre ng boses ni K ang nasabing kanta. Mabilis din na kumalat sa mga millennial ang kantang ‘yun dahil sinasabayan na siya sa tuwing siya ay nagpapa-sample o kapag ito ay naririnig sa radio.

 Thankful din ang ilang fans dahil para na ring tribute sa Sampaguita at Asin ang pagkakabanat ni K ng kanta.

Hindi naman apektado si K kahit ikinukumpara siya sa Aegis na may ganito ring version.

Ayon pa sa fans, mas may power at emosyon ang kanta niya kaya tiyak na nakapila na naman ito sa mga videoke.

Show comments