^

Pang Movies

Julian, Vitto, Andrew, Jack, at Dan susubukang agawin ang fans ng Korean actors!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natuwa naman kami at may effort na mag-build up ng mga bagong artista at bigyan sila ng wholesome image. Matagal nang walang ganyan eh, kaya nababaling ang atensiyon ng fans sa mga artistang Koreano. Kung iisipin, kayang-kaya naman natin. Noong 1984 ay nagawa nating mabaliktad ang kaisipan ng fans na nahuhumaling sa mga dayuhang artista nang ipakilala ang grupong Bagets.

Ngayon, may bago na naman silang pelikula, ang Squad Goals #Fbois, na magtatampok naman sa mga baguhang kinabibilangan nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Jack Reid, at Dan Hushcka. Sa nakita naming trailer ng pelikula na ipinalabas noong media launching, akala mo replay ng trailer nito ng matagumpay noong Bagets. Mukha ngang halos pareho ang formula.

Pero mauulit pa ba ang success ng Bagets? Sinubukan na nila ang revival ng Bagets sa telebisyon, hindi umubra ang concept. Siguro nga malayo ang dating kaysa una. At siguro, hindi nila napili talaga ang mga artista nila.

Noon kasing gawin ang Bagets noong 1984, hindi mo masasabing lahat sila baguhan na walang pinagmulan. Noong panahong iyon, isang top matinee idol si William Martinez. Sina JC Bonin naman at si Mayor Herbert Bautista, malakas na ang following dahil stars sila ng noon ay napakataas ang rating na Flor de Luna. Si Raymond Lauchengco ay isang stage actor, at sikat na noon bilang singer. Hindi nila ito masasabing fake news dahil mapapatunayan iyan ng records. Noong panahong iyon mas mataas ang benta ng plaka ni Raymond kaysa kina Martin Nievera at Gary Valenciano na parehong kasama niya sa Vicor Music.

Ang talagang bago noon, bagama’t nakalabas na rin sa mga bit roles sa ilang pelikula, ay si Aga Muhlach, pero ang tindi naman ng dating kasi ng mukha ni Aga. Makita lang ng fans kahit na sa trailer ng pelikula sa TV, nagtitilian na sila.

Natatandaan nga namin noon, kinausap kami ng isang beteranong editor at inutusan kaming gumawa ng isang “sensible interview” kay Aga, at wala raw siyang pakialam gaano man kahaba ang article. Umabot ang kuwento namin ng walong pahina ng magazine, at nabenta iyon nang husto. Kaya sabi nga niya, totoo na si Aga ay isang “phenomenon”.

Ganyan kalakas ang dating ng mga Bagets noong araw, bago pa man maipalabas ang kanilang ginawang pelikula. Iyon ay na­ging isa sa pinakamalaking hit ng dekadang iyon. Ang Bagets ay naging isang fever, na ginagaya pati ang damit, sapatos, at lahat ng iba pang makaka-identify sa kanila.

Ang ganung status ang kailangang maabot. Kailangan ang kaisipan ng isang Maryo J. delos Reyes. Kailangan ang matin­ding script ng isang Jake Tordesillas na nakakalungkot pero pareho na silang namayapa. Kailangan ang tiyaga ng isang production designer na kagaya ni Butch Garcia para maisipan ang mga ganoong damit. Kailangan ang talino sa musika ng isang Ricky del Rosario na siyang personal na namili ng mga kantang gagamitin sa Bagets.

Palagay namin, kailangan din ang kakaibang idea at touch ng isang Mina Aragon. Sad to say, ang ilan sa kanila ay hindi na natin kasama sa ngayon. Kailangan humanap tayo ng mga kagaya nila para mai-launch ang isang bagong Bagets. Kung hindi, mananatili na lamang isang legend ang Bagets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with