Ellen at JLC
Hindi maka-let go? Ellen ginamit na pambuwelta kay Angelica si Brad Pitt
(Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

Pa-simple ang banat ni Ellen Adarna kay Angelica Panganiban.

Kahapon sa kanyang Instagram story ay ini-upload niya ang ilang eksena ng Meet Joe Black na may subtitle. Ang unang word na lumabas habang nag-uusap sa eksena sina Brad Pitt at Anthony Hopkins “It’s hard to let go isn’t it?”

“Yes, it is, Bill,” ang sagot ni Brad sa eksena. Na sinagot ng kausap ng “Well, that’s life.”

Siyempre ang inisip agad ng followers ng umano’y preggy sexy star ay si Angelica na very vocal sa naging masaklap na karanasan sa kanila ni John Lloyd Cruz na sinasabi ngang ama nang dinadala ni Ellen ngayon.

Pagkatapos ng mga emote sa social media, TV interviews, libro naman ang inilabas ni Angelica na may konek pa rin sa aktor niyang ex.

Kris abala sa bashers!

Ganado si Kris Aquino na magsasagot sa bashers - na magsi-celebrate ng 47th birthday today. “You messed w/ the wrong woman. Ang kapal ng mukha mo na tawagin akong magnanakaw when you are the one guilty of IDENTITY THEFT. The problem is you can attack me w/ absolutely no evidence about stealing when in actuality you are the MAGNANAKAW. Please- wag mo kong itulad sa yo o kung sino man ang nagfu-fund ng operations ninyo,” bahagi ng caption niya tungkol sa nambintang sa kanyang mayaman nga siya pero ninakaw naman daw nila sa bayan. Siyempre nag-spark ang galit ni Kris.

Pumatol din siya sa isang parinig tungkol sa kabit at maging ang tungkol sa pagpatay ng tao sa isang simpleng comment ng isang follower niya.

Siya nga kaya ‘yung sumasagot? Paano kaya siya nakakabasyon kung ganun?

ELLEN ADARNA JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with