Bitoy at Uge back-to-back ang kulitan

MANILA, Philippines — Hindi dapat ma-miss ang isang hitik sa sayang Sabado night hatid ng GMA shows na Pepito Manaloto at Celebrity Bluff.  Usapang praktikal ang itatampok ngayon ng pamilya ni Pepito Manaloto (Michael V.) dahil magbibigay sila ng kwento tungkol sa pagtitipid.

Samantala, riot na kantahan naman ang hatid ni Eugene Domingo sa Celebrity Bluff dahil makakasama niya muli ang makulit na barkadahan ng bluffers na sina Edu Manzano, Isko Moreno at Boobay.

Sino kaya sa mga celebrity players kabilang ang Super Ma’am stars Matthias Rhoads at Ashley Ortega; Ika-6 Na Utos stars Sunshine Dizon at Rich Asuncion; at Pepito Manaloto stars Nova Villa at Manilyn Reynes ang magwawagi?

Huwag palampasin ang non-stop entertainment na dala ng Pepito Ma­naloto at Celebrity Bluff ngayong Sabado (Enero 20) sa GMA.

Impostora ‘di nagpataob sa katapat

Kahit may bago nang katapat na programa, maituturing pa ring unbeatable ang series na Impostora dahil waging-wagi pa rin ito sa TV ratings. Ang lead star nga nito na si Kris, hindi maitago ang saya dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa kanyang serye na talaga namang painit na lalo nang painit ang mga eksena. Aniya, nagpapasalamat siya dahil hindi pa rin bumitaw ang mga fans at manonood sa pagtutok sa serye nila ni Rafael Rosell tuwing hapon.

Hindi niya raw inakala na magpapatuloy pa rin ang suportang ito ng kanilang avid viewers.

Kami naman, hindi na nagulat dahil iba talaga ang husay ni Kris pagdating sa pagganap ng dual roles bilang Nimfa at Rosette sa top-rating Afternoon Prime soap.

 

Show comments