Bashers nganga Maine at Vice mag-BFF na
Joe Barameda (Pang-masa) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kawawa naman ang mga artistang nakakasama ni Maine Mendoza sa tuwing ito ay gumigimik dahil lagi na lang inaaway ng fans niya. Mabuti na lang at matitibay ang mga ito at hindi na pinapatulan ang mga tao na walang magawa kung hindi mang-bash.

Ngayon naman ay si Juancho Trivinio ang biktima ng bashings. Magpasalamat nga kayo at may mga nakakahalubilo ang idolo ninyo (kung iniidolo ninyo nga). Bakit ang barkadahan nina Vice Ganda na madalas na kasama ni Maine ay hindi ninyo inaaway?

Kasi hindi puwede mga kalokohan ninyo kay Vice. Maraming kakampi ang komedyante huh. Talbog!!!

Jennylyn susubukang maging komedyante     

Ngayong Biyernes sa Bubble Gang, guest si Jennylyn Mercado at ipakikita ang highlights ng longest running gag show sa Philippine television.

Mapapanood sa BG ang iba’t ibang segment ng show gaya ng Basa Basa Pik kung saan magtatanong si Michael V. (Bitoy) tungkol sa history ng show at kapag hindi ito nasagutan ng tama ay ihuhulog ang mga ito sa dunk tank.

Mayroon ding Hapitot na isang short comedy skit na tungkol sa ilang ideas na tiyak na magpapatawa sa inyo. Bida naman si Diego sa segment na Atlit at ie-explain niya kung bakit siya proud sa sarili.

Mayroon ding Kusina Total segment sina Chariz at Betong.                       

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with