Sikat na aktor panic mode na sa nakaumang na video scandal!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

Kabado ngayon ang isang hunk leading man ng isang drama actress sa isang teleserye dahil sa nalalapit na pagkalat ng kanyang video scandal.

May isang gay website kasi na naglabas ng isang collage ng mga upcoming video scandals na kinabibilangan ng male models, basketball players at mga artista.

Mga screenshot  ng mga lalaking ito ang nilabas at isa nga ang hunk actor ang may video scandal na matagal nang inaabangan ng mga beki.

Noong may magsabi sa hunk actor tungkol sa kanyang lalabas na video scandal, nataranta raw ito dahil matagal na raw iyon at hindi niya alam na may nag-record sa ginawa niyang iyon.

Nakikipag-consult daw ngayon ang hunk actor sa isang lawyer kung ano ang dapat niyang gawin dahil hindi puwedeng kumalat ang naturang video scandal dahil maaapektuhan ang career niya, lalo na sa mga ini-endorse niyang mga produkto.

Wala naman daw magagawa ang lawyer niya hanggang wala pang lumalabas na video. Kailangan ay alamin nila kung sino ang source at ano ang purpose ng mga taong ito para ikalat ang video.

Sa ngayon, naghihintay na lang daw ang hunk actor kung kailan ia-upload ang kanyang video scandal.

Ilang aktor na sa showbiz ang naging biktima ng video scandal at patuloy pa rin sila sa kanilang trabaho. Though may ibang naapektuhan at nanatiling umiiwas na lang sa showbiz para ‘di na iyon mapag-usapan.

Kaya dapat siguro ay sa mga aktor na dedma sa video scandal nila humingi ng advice si hunk actor para mabilis siyang maka-move on sa ginawa niyang scandal.

Rayver nagpa-thank you  kay Janine sa nagawa sa 2017

Sino ba naman ang hindi mag-iisip na walang relas­yon sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz?

Nitong nakaraang New Year, nag-post ng isang sweet na message si Rayver para kay Janine.

“Thank you for making 2017 a whole lot better,” caption pa ng binatang aktor.

Hindi magkasama sina Janine at Rayver noong nakaraang New Year’s Eve dahil kasama ni Rayver ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas, samantalang nasa Hong Kong Disneyland si Janine kasama ang kanyang mga kapatid at ama na si Ramon Christopher.

Ganun pa man, sinorpresa ni Rayver si Janine at sumunod siya agad sa Hong Kong.

Anyway, si Janine ang bagong third party sa GabRu loveteam nila Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Magkasama silang tatlo sa upcoming GMA teleserye na Sherlock Jr.

Taylor Swift nakabalik sa number 1 sa Billboard!

Isang pambihirang feat ang nagawa ulit ni Taylor Swift dahil pagkatapos mawala sa top spot ng Billboard 200 albums ang kanyang hit album na Reputation pagkatapos ng apat na buwan sa number one spot, muling nagbalik ito sa number one spot noong nakaraang week.

Ayon sa Nielsen Music, Reputation has earned 107,000 equi­valent album units in the week ending December 28.

“Reputation spent its first three weeks at No. 1 on the chart, and then lingered at either Nos. 3 or No. 2 for its next three chart frames. It’s the first album to notch four weeks at No. 1 since The Weeknd’s Starboy claimed its fifth (and final) week at No. 1, on the list dated Feb. 11, 2017,” ayon pa sa Nielsen Music.

Nasa second spot naman ang Divide ni Ed Sheeran at nasa number three naman ay ang album ng mga rappers na sina Travis Scott at Migo Huncho Jack.

Kasama rin sa top albums ng Billboard 200 ay ang The Thrill of It All ni Sam Smith, The Beautiful & The Damned ng G-Eazy at DAMN ni Kendrick Lamar.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with