Lovelife nina Piolo, Coco, Alden, Maine at Kris binabantayan kung matutulungan ng ‘brown dog’!

Maine, Coco

Inaabangan sa pagpasok ng 2018, taon ng mga aso, kung magbabago ang kapalaran ng career at lovelife ni Kris Aquino.

Naging masaklap ang TV career niya at maging sa lovelife ay hindi rin naging mabunga kahit na inamin niyang dalawang beses siyang inalok ng kasal ni QC Mayor Herbert Bautista dahil balitang ang nanay ng mga anak pa rin nitong si Tates Gana ang kapiling ng alkalde ng QC noong Pasko.

Abang-abang din ang fans sa lovelife ni Piolo Pascual. Finally raw kaya ay magkaka-girlfriend na siya?

Usaping puso rin ang isyu kay Coco Martin. Wala pa s­iyang inilalantad na girlfriend. Pawang ispekulasyon lang ang tungkol sa kanila ni Julia Montes. Never silang umamin pero ipinipilit ng fans na sila nga.

Ganun din kina Alden Richards and Maine Mendoza, magkaroon na kaya sila ng totohanang relasyon o BFF na lang talaga ang level?

Binabantayan din kung manunumbalik sa dati ang init ng kanilang tambalan o tatanggapin ng fans na ganun na lang sila?

Looking forward din ang mga showbiz watcher sa panganganak ni Ellen Adarna na walang confirmation pero maraming sightings na kita ang baby bump. Gusto nilang malaman kung maganda ang combination nina Ellen at John Lloyd Cruz.

Paboran kay sila ng ‘brown dog’ sa pagpasok ng taon?

Show comments